Chapter 21

212K 10.2K 5.1K
                                    

"Bi, minsan lang naman tayo lumabas," pagpupumilit ni Hera. "Ngayon lang naman..."

Umiling ako. "We're just seventeen, Hera."

Tumawa ang kaibigan ko at malakas na hinampas ang likod ko. Napa-ubo ako pero parang 'di napansin ng kaibigan ko dahil sa pagtawa. "Bi, do we look like teens?" Pinasadahan pa nito ang kaniyang katawan.

Natutop ko ang aking bibig. She was right. Hindi akma ang features niya sa kaniyang edad. She had this pointed long nose, while the shade of her eyes was hazel and highlighted by her thick eyelashes. Natural na naka-pout ang kaniyang labi. Walang kahit na anong bahid ng produkto ang kaniyang mukha maliban sa mala-cherry nitong labi na bumagay sa mala-porsena lang kutis.

"Ikaw lang," I answered.

Ngumuso ang kaibigan ko. "Gaga! Mukha ka na ngang trenta!"

"Shut up," ani ko. "I'm not going."

"Hellary, please..."

Malakas akong bumuntong hininga nang gamitan ako ni Hera ng puppy eyes niya. Alam niyang hindi ko siya matatanggihan kapag ginagamit niya na sa 'kin 'yan.

Naalala ko na palagi niya akong ginagamitan ng ganiyan kapag hindi niya ako mapilit na lumabas. Kapag tinatamad ako o kaya'y kapag wala ako sa mood. I could no longer refused.

Tumango ako. "Okay, fine."

Nanlaki ang mata niya. "Talag—"

"But we'll not drink any booze. Sasamahan lang kita."

"Fine! I'll pick you up later. Message na lang kita," she said. "Bye, bi!"

Kumaway ako pabalik nang maglakad paalis si Hera. Malakas akong bumuntong hininga nang biglang bumuhos ang ulan mula sa kalangitan. Nagpa-panic na nilandas ko ang daan papunta sa waiting shed. Pansin ko rin na may nakasabay ako sa pagpunta ro'n.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. I don't have umbrella with me, hindi rin ako susunduin ng driver namin dahil sabi ko ay dadaan pa ako sa mall para bumili ng damit. Wala na rin naman si Hera dahil mabilis na itong naka-ibis palayo bago pa bumuhos ang ulan.

"Malas," I said unconsciously.

"Sino?" someone asked. "Ako?"

Napalingon ako sa tabi ko nang magsalita ang kung sino. Kumunot ang noo ko nang mag-materialize siya sa aking paningin. Inirapan ko siya dahilan para humalakhak siya.

Hinubad niya ang suot niyang uniform at ipinatong sa 'kin. Bumilis ang pagbayo ng aking dibdib nang maramdaman ko ang presensya niya malapit sa 'kin. Pinipigilan ko ang huminga nang maramdaman ko ang balat niya sa may bandang braso ko.

"Itong malas na 'to ay patay na patay sa 'yo, miss," aniya.

Abot-abot ang tahip ng aking dibdib. Lagi naman akong nagkakaganito kapag malapit siya. Lagi.

Kahit papaano ay naibsan ng lamig ang telang ipinatong niya sa 'kin. Pero nagulat ako nang hilain niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. I could feel the heat of his body. Tuluyan nang naibsan ang lamig dahil sa init ng kaniyang yakap.

"N-Nazareth..."

My throat constricted. We just remained in our position. We are ignoring the world under his embrace, under the clouds that are crying. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

"I can be your hot when you're cold. I can be your Knight if you're in distress. I can be your stars if you're the moon. I can be your universe if you're the world. I can be your best if you're the worst..."

Shock materialized across my face. Tila naghabulan naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Nanuyo ang lalamunan ko at halos manginig ang aking binti.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon