Chapter 31

180K 8.6K 3.5K
                                    

Inayos ko ang buhok ko sa harap ng salamin. I pouted my lips and acted like an idiot. Nagpapa-cute. Naghugas ako ng kamay. Bahagya kong pinagpag ito after. Tinitingan ko ang sarili ko sa salamin. Tinitingnan kung may dumi ba ang mukha ko ngunit wala naman.

My phone vibrated. Kinuha ko ito mula sa bag ko. Nang makita ko kung kanino iyon ay binuksan ko agad ang mensahe at saka napangiti.

Nazareth:

Love, my class is done. Where are u?

Yep. Nazareth started attending his class now. Katulad nga ng sabi ko, kung hindi siya papasok ay pepektusan ko ang eyeball niya. Natakot siguro.

I texted back na abangan niya na lang ako sa gate. Nang nilalagay ko na ang aking phone sa bag ko ay napaangat ang tingin ko sa pumasok.

She was fuming mad. Her luminous face was furious, and I didn't know why. I was alarmed with her presence kaya napalayo ako kay Kestrel ng kaunti.

But instead of hurting me o ano pa mang pumasok sa isip ko ay lumapit siya sa tabi ko. She opened the faucet. She's looking at me intently right in the mirror while washing her hands.

"Filthy, dull, hideous," she uttered. "And many more shitty words to describe you." Ngumisi siya. Her angelic face became demonic in my eyes.

"Masyado ka nang masaya, Hellary," she added. "Hindi mo pa kilala si Nazareth."

Tumawa siya. 'yong tawang parang sinasabing siya pa rin ang panalo sa huli. What does it mean? What is she trying to imply? Her eyes stared at me like she knows everything about Nazareth while I don't.

Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita. "If you're bitter about the pageant, stop it already. Ilang buwan na ang lumipas. Hindi ka pa rin maka-usad." I flipped my hair right in front of her at akmang lalabas.

Pero nahinto ako nang iharap niya ako sa kaniya. With her furious face, sinamapal niya ako nang malakas. Halos matumba ako sa hilong naramdaman. Shit.

"I'm still talking, honey." Lumapit siya sa 'kin. Mabilis. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon ngunit nakita ko na lang na hawak-hawak niya na ang panga ko. "Gaano mo ba ako kakilala, Hellary? Oh, let me rephrase that..."

Lumapit siya sa 'kin. Sa bandang tenga ko. Tumaas ang balahibo ko sa buong katawan. "...Gaano mo kakilala si Nazareth?"

Ramdam ko ang pag-ngisi ni Kestrel. What the hell was happening. Bakit naging ganito siya bigla?

I gulped with the thought. Bumalik ako sa reyalidad nang may pumasok na mga estudyante at tinanong kung ayos lang ba raw ako. Ngumiti lamang ako at nagmamadaling lumabas.

What's that? All of a sudden, biglang nagbago si Kestrel.

Buong araw na 'yon ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Kestrel. At nang araw ding iyon ay hinatid ako ni Nazareth. It was four months already since we became official. We had minor problems pero wala pang malaki at sana lang ay huwag naman mangyari.

"Is there a problem, miss?" Nazareth asked beside me. Kumakain kami ng ice cream. His massive hands were enveloping the tiny cone. Natutuwa ako kapag dinidilaan niya ang ice cream.

Hehehehe.

Umiling ako atsaka kumuha ng french fries at sinawsaw sa ice cream. Sinubo ko iyon. "Wala naman."

"Then what are you thinking? I would be mad if it's not me." He playfully said. His cautious eyes stared at my soul.

Tumawa ako sa sinabi niya at bahagyang namula. He burst out laughing because of my reaction.

Under His HoodieWhere stories live. Discover now