Chapter 16

202K 11.1K 9.7K
                                    

Mabilis ko siyang dinaluhan dahil sa pag-aalala. Lumuhod ako para makita ko ng maayos ang kalagayan niya. Maputla ang kaniyang labi, pati na rin ang kaniyang mukha. Tinapik ko ang kaniyang pisngi.

"Neo! Oh my god!" I exclaimed. But there was no response.

Kinapa ko ang leeg niya na agad ko namang binawi dahil tila napaso ako. Parang humawak ako ng apoy dahil sa ginawa ko. What the hell! What should I do? Tumawag ba ako ng kakilala? Kaibigan?

Argh! I'm left with no choice!

Sinubukan ko siyang buhatin. Nilagay ko ang braso niya sa batok ko at dahan-dahan ko siyang inangat. But his weight failed me. I ended up staring at his handsome face blankly—thinking of some ways to pull this heavy guy up.

Lumabas ako ng condo unit niya. Buti naman ay sinuwerte ako dahil paglabas ko ay may dumaang lalaki na medyo matipuno. Nakiusap akong buhatin niya ang kasama ko dahil sabi ko'y nahimatay ito. Pumayag naman agad ito at nagpasalamat naman ako pagkatapos.

Nakahiga na si Neo sa sofa. Balot na balot siya ng kumot habang mahimbing na natutulog. Nagpakulo ako ng maligamgam na tubig. Naghanap ako ng bimpo para gamitin ko.

Una ay pinunasan ko muna ang noo niya. Marahan lamang para hindi magising si Neo. Kahit papaano naman ay naalala ko pa ang ginagawa sa 'kin kapag may lagnat ako. Hindi pa naman ako matanda para makalimutan 'yon.

Pati ang leeg niya ay pinunasan ko rin. Should I also wipe his body? Umiling ako. 'Wag na lang siguro. Pero nabasa ko kasi sa isang article na kailangan punasan pati ang katawan para sumingaw ang init.

Bahala na!

Bumuntong hininga ako bago ko hinawakan ang laylayan ng shirt ni Neo at dahan-dahang inangat ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang unti-unting lumitaw sa aking harap ang hubog ng kaniyang katawan. Until the shirt reached his chiseled chest. Nang tuluyan ko na itong matanggal ay hindi ko maiwasan ang pamumula ng aking mukha.

Neo is topless in front of me! Mas lalong nag-init ang aking mukha dahil sa isiping yon. Relax, Hellary, relax. You're just helping him, okay? 'Wag ma-distract.

Pagkatapos ko siyang punasan ay hinanap ko ang kwarto niya para maghanap ng damit. Malaki ang condo niya kaya medyo natagalan akong mahanap ang main room niya.

Pagkabukas ko ng pinto ng kaniyang kwarto ay nalaglag ang panga ko sa ayos at linis nito. May malaking king-size bed ang proud na proud na nakapwesto sa sentro ng silid. May flatscreen at sofa chairs naman sa harap. Tapos may glass cabinet naman na naglalaman ng mga trophies at awards niya sa iba't ibang contest at basketball league. Ang pintura naman ng dingding ng kaniyang kwarto ay kulay itim, samantalang puti naman ang carpet.

I could smell his scent from this room. Kwarto niya talaga ito.

Nagsimula na akong maghanap ng damit. Mabuti na lang ay hindi na ako nahirapan pa. May walk-in-closet din pala siya kung saan ako kumuha ng puting plain na t-shirt. Pagkatapos ay sinuotan ko si Neo ng damit. Ilang beses pa nga akong napalunok dahil kumikinang ang medyo basang abs niya.

God, pangako, magro-rosaryo talaga ako pag-uwi ko.

Lumabas muna ako saglit. Iniwan ko ro'n si Neo na mahimbing ang tulog. Maghahanap ako ng lugaw. I didn't know how to cook. Pinanganak akong may silver spoon sa bibig. Kung marunong man ako ay yung mga madaling lutuin katulad ng instant noodles.

Mga ilang oras din akong naghanap. Mabuti na lang at nakahanap agad ako ng lugaw kaya lang malayo sa condo ni Neo. Napansin ko ring dapit hapon na dahil tila nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Tinikom ko ang bibig ko habang malikot ang mata. Naghahanap ako ng masasakyan pero wala namang dumadaan na taxi.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon