Chapter 23

221K 10.5K 7.6K
                                    

Tama si Nazareth. Road trip nga talaga ang lakad namin ngayon. Kung saan-saan kami pumunta. The music from the stereo didn't fail us. Halos hindi na nga kami magkarinigan sa lakas nito. Masaya ako dahil ginawa ko ito kasama si Nazareth. May mga oras na nagkwe-kwentuhan kami habang pinapahinaan niya ang tugtog. Tawa naman ako nang tawa. Lalo na kung paano niya ipaalala sa 'kin na nakain ko yung pagkain ng ibon niya.

Pinagmasdan ko ang kalangitan mula sa bintana. Nag-aagaw na ang kadiliman at liwanag. Hindi ko naman ma-check kung anong oras na dahil nasa likod ng kotse niya lahat ng gamit namin. Sa tantiya ko ay mga ala sais y media na ng hapon.

Muli akong kumagat sa Italian pizza na dala ni Nazareth.

"Saan naman tayo ngayon?" I asked.

He checked his wristwatch. Pagkatapos ay muling tinuon ang mata sa daanan. "Basta."

Nagkibit balikat ako at muling kumuha ng pizza sa box. Humalakhak siya sa ginawa ko. What? Anong nakatutuwa ro'n? Ang sarap-sarap kaya ng pizza.

"Easy, lady. Hindi ka mauubusan." Humalakhak siya.

Inirapan ko siya ngunit nakisabay na rin sa pagtawa niya. We spent our time there traveling somewhere. It was almost night already when we stopped. Tiningala ko ang nagtataasang mga puno.

Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa namin dito? Nasa Manila pa ba kami o nasa probinsya na?

Tumunog ang tabi ko, senyales na lumabas siya ng sasakyan. He opened the door for me and then I went out. Nagulat ako nang tumuntong si Nazareth sa unahan ng sasakyan upang makapunta sa mismong bubong ng kaniyang kotse.

Nagtaka ako kung bakit siya pumunta ro'n. Magpapalipad ba siya ng saranggola or something?

What, Hellary? Kite? This evening?

Saka lamang nasagot ang tanong ko nang humiga si Nazareth sa mismong bubong. Pinatong niya ang kaniyang ulo sa pinagsiklop niyang balikat.

"Join me, miss."

Tumango ako. Kahit nagtataka ay humiga rin ako sa tabi niya at ginaya ang kaniyang posisyon. Hindi naman ako lumpo para alalayan pero inalalayan pa ako ni Nazareth para makapunta sa tabi niya. Nang umayos ang pwesto naming dalawa ay naging tahimik siya. Ginaya ko ang ginawa niya. Pinagmasdan ko ang kalangitan na punong puno ng mga bituin. There were so many stars surrounding the moon.

Nazareth broke the silence between us.

"Kapag ba alam mong ikaw ang talo...susugal ka pa ba?"

Nilingon ko siya. But his eyes didn't move nor his face. Nakatingin lang siya sa langit habang kinakausap ako. "I- I don't know. Bakit? Ikaw ba?"

Humalakhak siya pero sa huli ay sumeryoso ang kaniyang mukha. Tinitigan ko siya muli dahilan para matulala ako. My eyes met his pointed nose and long eye-lashes. Seryoso ang kaniyang tindig habang nakatingin sa kalangitan.

"Ako kasi...susugal ako," he stated. "If you're the price, I'll not hesitate. Even if it can cause my greatest downfall, the pain or sorrow, I'll not hesitate..."

Nanatili ang kaniyang tingin sa kalangitan. "Mahal kita."

Natutop ko ang aking bibig. Abot-abot ang tahip ng aking dibdib. He was just freaking made my system gone crazy. And I hate it that I love it. I hate it, but I love the feeling. I hate it because once I choose, I'll break someone. At hindi ko kaya iyon—ang makasakit.

"Do you know why I was gone for so many weeks?" tanong niya. Nanatili ang mata ko sa kaniya pero nanatili siyang nakatingala. "Because I realized he finally laid his eyes on you, ano pang panama ko? You can't blame me. He's your...uh...first love."

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon