Chapter 20

220K 10.7K 7.2K
                                    

Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga. I could also feel the heat of his body against mine. Hindi ko maiwasang mabahala dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso. Samantalang hindi naman nagpapatalo ang tibok ng akin. Para silang nasa paligsahan, kung sino manalo ay s'yang may premyo.

My lips trembled. Parang dumikit ang paa ko sa aking kinatatayuan kaya pati ang buo kong katawan ay hindi makagalaw. Hindi ko ito inaasahan. The sentence, the words, and every letter he said, I was trying to process them all.

Parang na-reformat ang utak ko na ni salita ay hindi masabi.

"Love, say it..." he whispered huskily. "Just say the magic word, then you're mine..."

Bakit niya ba ginagawa ito? May girlfriend siya. Meron siyang Kestrel. Balak niya ba akong gawing pangalawa, kung sakali? Nazareth is unpredictable. So damn unpredictable.

"Love, I'm scared with your silence," he said, once again. "Tell me your thoughts..."

Hinarap ko siya. "Nazareth may girlfriend ka."

Kumunot ang kilay niya. Bumakas sa kaniyang mukha ang pagtataka na tila hindi maunawaan ang sinabi ko. "Girlfriend? Who?"

"Don't make me stupid, Nazareth! Si Kestrel ang tinutukoy ko!"

Mula sa pagtataka ay humalakhak siya. Like what I said was really funny. Ako naman ang kumunot ang noo, nagtataka sa kaniyang pinakita. May nakakatawa ba sa sinabi ko? O pinagloloko na naman ako ng lalaking ito?

"She's like a sister to me, for Pete's sake!" He roared with laughter.

"S-sister?"

Tumango siya habang pinipigilan ang tawa. May namumuong ngisi sa kaniyang labi. "She's from states. Hinabilin siya sa 'kin ng Ninang at Ninong ko. Wala akong pagpipilian kung 'di ang pumasok na sa school para mamataan ko siya, tulad ng bilin ng kaniyang magulang."

Natahimik ako.

So...

I was wrong?

Natahimik ako dahil sa pagkapahiya. Pakiramdam ko gusto ko na lang lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyang sinabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakakahiya. Akala ko...akala ko girlfriend niya na.

"Darn it. Don't bite your lips, or else you'll regret it," sambit niya.

Huminto naman ako sa pagkagat ng labi ko tulad ng sabi niya. "Bakit naman?"

"Gusto mo malaman?" he asked. He leaned forward while his lips formed into a playful one. "O gusto mong makita ang ibon ko?"

Kumunot ang noo ko. "Anong kinalaman ng ibon mo rito?"

Tinitigan niya ako ng mariin. Pagkatapos ay malakas siyang bumuntong hininga. "I'll give you time to answer my question, lady. I don't want to pressure you," sagot niya. "Baka ikamatay ko pa ang isasagot mo."

Hindi ako nagsalita.

"Let's go. I'll drive you home."

Tumango ako at hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko. Nauna siyang maglakad kaya nagkaroon ako ng pagkakataon pagmasdan siya. Pinakatitigan ko rin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Thinking that he was holding my hand, it electrified my system. Pati ang mga paru-paro ay nagkakagulo sa aking tiyan.

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa aking kwarto. Pero nadaanan kong bukas ang isang kwarto isang dipa ang layo mula sa kwarto ko. Ngayon ko lang nakitang bukas ang isang 'to. Never rin akong pumasok sa loob.

Because of my curiosity, I stepped inside the room. Inikot ko ang mga mata ko sa loob at napag-alaman kong isa itong bodega. Maraming nakatambak na mga lumang gamit. Mga gamit panlinis at iba pa.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon