Chapter 37

188K 8.9K 9.7K
                                    

Tila natuod ako sa aking kinatatayuan. Mas lumakas ang bulungan ng mga estudyante. Majority of them were disgusted. Ang iba ay pilit na nagbubulagbulagan kahit halata naman kung sino ito. Ang ilan pa sa kanila ay hindi naniniwala na si Nazareth iyon, kahit kitang-kita naman na siya iyon talaga.

The school heads were taken aback. Ilang minuto pa ay agad bumalik sa wisyo ang Principal. "S-silence, everyone!"

Patuloy pa rin sila sa ginagawa. Tila isang domino effect ang nangyari. May isang sumigaw at sinabing rapist si Nazareth, hanggang sa magsunod-sunod na ang lahat.

"Silence!" sigaw ulit ng Principal.

But no one listened to him. Muli akong sumulyap kay Nazareth. And for the nth time, our eyes met once again. This time, his smile faded. But his eyes didn't change their emotion.

Nag-iwas ako nang tingin. Bakit? Bakit iba ang nakikita ko sa mata niya? Bakit siya nasasaktan? Ah, because his reputation was ruined? Ang inaalagaan niyang pangalan sa paaralan ito ay madudungisan? Is that it, Sarmiego?

My heart feels numb.

But half of me was doubting everything. Na dapat ay hindi ko maramdaman. Unang-una pa lang ay siya ang dahilan kung bakit wasak na wasak ako ngayon. Hindi aabot sa puntong ito kung hindi dahil sa sakit na idinulot niya.

I am once...an angel. Nakakabit sa apelyido ko ang salitang anghel. Ngunit naka-tadhana siguro ang lahat ng ito, dahil kahit ang impyerno ay nakakabit din sa pangalan ko.

The contradiction of my full name says it all. Nanginginig ang kamay ko. Muli ko siyang tiningnan. Nasa akin pa 'rin ang mata niya. "Alright! Students of Elron High, you're free to go home for this day. Now go!"

Bumaling sa kaniya ang Principal. Kinakausap siya nito. Ngunit ang mata niya ay nakatuon pa rin sa 'kin. Hindi naalis. Isang sulyap sa kumakausap sa kaniya, muli na namang binalik sa 'kin. Umiwas ako nang tingin.

Hellary, deserve niya 'yon.

I turned my back and started walking. Sumabay ako sa agos ng papaalis na mga estudyante. Karamihan sa kanila ay labis ang dismaya sa nalaman. Ang iba pa ay naiyak.

I tried my best not to look back, pero trinaydor ako ng sarili ko. Lumingon muli ako sa kinaroroonan niya then it hit me.

He was still there.

And he was still looking at me.

Pagod ang kaniyang mga mata. A small genuine smile crept on his lips. Ang pinapakita niyang kabuuan ay nagpapawasak sa akin ngayon. He looked at me like what I did was fine.

Parang nais niyang sabihin na ayos lang ang ginawa ko, ayos lang na gawin ko iyon. Na okay lang na gano'n ang kinahinatnan ng lahat, okay lang dahil ako naman ang may gawa.

Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

Tumalikod ako at nagsimula na ulit humakbang palayo sa kaniya. Naging malabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadyang tumulo. Nagka halo-halo na ang nararamdaman ko sa oras na ito. Pero ang puot at galit ay naroon pa 'rin. Hindi ito nawala.

Bakit gano'n ang pinapakita niya? Bakit parang okay lang sa kaniya ang ginawa ko? He should be mad! Dapat nagwala siya! Sinira ko ang reputasyon niya! But why the hell it didn't happen?

Nazareth, bakit?

Mabilis na lumipas ang ilang araw. We didn't hear about him right after. Pilit na pinagtakpan ng eskwelahan ang nangyari. Hindi na nakalabas pa ito. Ngunit ang mga estudyante ay alam ang totoo. Alam nila ang ginawa ni Nazareth.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon