Pagmamahal na nga ba?

1.5K 24 1
                                    

Nang ika'y aking makilala
May kung anong saya
Ako na nadama.

Sa tuwing tayo'y magkasama
Abot kalawakan ang aking saya
At heto na naman ang aking nadarama.

Sa tuwing ika'y makikita
Na may kasamang iba
May galit at kirot akong nadarama.

Hanggang sa aking naalala
Na ito ay aking nadama
At iyon ay dati pa.

Ito ay aking nadama
Sa isang tao na minahal ko ng sobra
Ngunit ako'y sinaktan at binalewala.

Pagmamahal na nga ba?
Itong aking nadarama?
O isa lamang paghanga?

Ipagpapatuloy ko pa ba?
O ititigil ko na?
Sa tingin ko'y tama na.

Kailangan ko nang itigil ang aking nadarama
Sapagkat ako'y sawang sawa na
Ayoko nang masaktan at mabalewala pa.

Kayat ititigil ko na
Itong aking pagiging tanga
Nang sa ganoon ay maging maayos na.

UNTOLDWhere stories live. Discover now