Walang tayo

628 12 1
                                    

Nang ika'y nakilala,ako'y nakaramdam ng saya.
Saya na hindi maiihalintulad sa iba.
Nang tayo'y naging magkaibigan
Nalaman mo ang aking nararamdaman.
Akala ko tayo ay posibleng maging magkaIbigan.
Akala ko lang dahil imposible pala,At ako pa'y iyong nilayuan.
Isa,Dalawa,Tatlo,tatlong buwan na pala noong huli tayong nagkasama.
Nais ko muli na makusap at makasama ka.
Ngunit paano?kung ako'y iyong nilalayuan?
May nagawa ba akong negatibo upang ako'y iyong layuan?
'Yan ang aking katanungan
At ako'y umaasa sa iyong kasagutan.
Hanggang nakalipas ang Isang buwan ika'y aking nakita.
Nakita na may kasamang iba.
Kayo'y nakita kong magkahawak ang kamay habang masaya na nakatitig sa isa't isa.
Ngunit ito'y aking binalewala.
Nais kong balikan ang nakaraan
Nung tayo'y magkasama habang nagtatawanan.
Iyon ang mga masasayang pangyayari
Na ngayon ay malabo ng mangyari.
Ikaw+Ako=walang pa ring tayo
Dahil iniwan mo ako.
Kumbaga sa ating istorya
Tayo ang dalawang linya
Na pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
Dahil siya ang linya na pumapagitan sa ating dalawa.
Habang tumatagal,ako'y nalilinawan na tayo ay hindi talaga para sa isa't isa.
Ako ang positibo
At ikaw ang negatibo
Kaya't ang kasagutan ay negatibo
Negatibo na maging tayo.
Kaya't hanggang dito na lang ako
At tatanawin ka mula sa malayo.
Pipilitin kong limutin ka
Kahit alam ko sa sarili ko na ikaw pa din sinta.

****
Pasupport po. Thanks😆♥

UNTOLDWhere stories live. Discover now