I STILL WANT YOU

276 4 0
                                    

May gusto akong sabihin sayo,
Mga salitang gustong kumawala sa utak ko
Salitang nais bigkasin ng bibig ko.
Pero paano ko sisimulan ito?
Ngayong alam ko na may iba ka nang gusto?
Na may ibang tao na nagpapasaya sayo.
Bakit kasi hindi ka magawang kalimutan nitong isip at damdamin ko?
Bakit kasi ikaw padin ang itinitibok nito!
Nitong puso ko na walang ibang laman kundi ikaw.
Ikaw na nakikita ko araw araw
Na sa tuwing masisilayan ka ay may kung ano sa loob ko na sumasayaw.
Tama pa ba 'tong nararamdaman ko?
O dapat nang kalimutan kita tulad ng paglimot mo?
Pero kahit na anong gawin ko
At pagpilit sa sarili kong kalimutan ang nararamdaman ko
Ay laging isinisigaw ng utak at puso ko,
'THAT I STILL WANT YOU.'

****
Hope you like it.

UNTOLDWhere stories live. Discover now