Alaala

786 8 0
                                    

ALAALA

Alaala ng mga masasayang pangyayari
Ngunit ngayo'y malabong mangyari.

Nais kong balikan ang mga alaala
Nung tayo'y masaya't magkasama.

Tuwing paggising sa umaga
Ikaw agad ang nakikita.

Ako'y hahalikan sa pisngi
Habang may ngiti sa'yong labi.

Ako'y iyong ipinapasyal
Sa isang lugar na espesyal.

Lugar na di ko malilimutan
At puno ng alaala na di malilimutan.

Tayo'y humihiga sa damuhan
Upang tanawin ang kalangitan.

Nagsasabihan ng matatamis na salita
Habang nakatitig sa isa't isa.

Dati ikaw at ako ay sapat na
Ngunit ngayo'y wala na.

Dahil ika'y nasa piling niya
Kaya't sana ay masaya ka.

Kailangan ko nang ibaon lahat sa limot
Nang mawala na ang sakit at kirot.

Kaya't paalam na sa mga alaala
Na magkasama nating ginawa.

Hanggang dito na lamang ang ating istorya
At magmimistula na lamang itong alaala.

UNTOLDWhere stories live. Discover now