Bakit ikaw at ako ang pinagtagpo?

247 1 0
                                    

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo
Ikaw at ako pa ang pinagtagpo?
Pinagtagpo ng tadhanang mapaglaro
At kung humagupit ay parang bagyo.
Tayo ay pinagtagpo na sa isang kurap lang ay bigla ka nang naglaho.
Parang kailan lang kasama pa kita
Pero bakit ngayon nasa piling kana ng iba?
Siguro ay do'n ka sasaya at dahil mahal mo siya.
Kung sana lang nasabi ko sayo ang katotohanan
Katotohanan tungkol sa aking nararamdaman
Ay baka tayo pa ang nagkatuluyan.
Nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan
Na akala ko ay maari pang mahigitan.
Akala ko lang pala!
Kaya kasabay nang pagmulat ng aking mata
At pagpatak ng mga luha ay ang paglimot ko sa ating pagsasama.
Kaya't itinatak ko sa aking isipan na ikaw at ako ay pinagtagpo pero hindi kailanman itinadhana.

***

Sana nagustuhan niyo. Salamat sa pagbabasa!

UNTOLDWhere stories live. Discover now