Tagu-taguan

277 7 0
                                    

TAGU-TAGUAN

Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan.
Tagu-taguan,
Ganyan ang ating laruan.

Simulan na natin ang laro
Sa hakbang na sampu.
Ipipikit ang mata ko
At magsisimula na ito.

Isa,
Mahal kita.
Dalawa,
Ngunit di mo dama.
Tatlo,
Dahil ito'y sekreto.
Apat,
Minamahal kang tapat.
Lima,
Bakit ganito sinta?
Anim,
Napakahirap aminin.
Pito,
Ngunit nasasaktan na ako.
Walo,
Lalaban pa ba ako?
Siyam,
Sa larong ito na ako lang ang nakakaalam?
Sampu,
Ngunit ika'y may ibang gusto.

Tagu-taguan,
Laro na aking nakasanayan.
Tagu-taguan,
Larong aking nagustuhan.

Tagu-taguan,
Ako lang ang nasasaktan.
Tagu-taguan,
Tadhana bakit ka ganyan?

Mahirap maglaro
Kung ikaw ang kalaro.
Tadhanang paiba iba ang takbo
At nanatiling komplikado.

Tagu-taguan,
Ititigil ko na.
Tagu-taguan,
Di ko na kaya.

Tagu-taguan,
Hanggang dito nalang
Tagu-taguan,
Ititigil na ang kahibangan.

Bakit kaya?
Ako padin ang taya?
Napakadaya,
Ayawan na.

Ako ang taya,
Habang masaya ka sakanya.
Ako ang taya,
Ngunit mahal padin kita.

UNTOLDWhere stories live. Discover now