Panakip Butas

283 1 0
                                    

Nang ika'y nakilala
Ako'y nakaramdam ng kakaibang saya.

Tayo'y naging magkaibigan
Pero sa di inaasahan tayo'y naging magkaIbigan.

Ngunit ako'y iyong sinaktan
At iyong tuluyang iniwan.

Okay na sana ang lahat pero bumalik siya
At mas pinili mo na makasama siya.

Di ba dapat ang X kinakalimutan
Hindi dapat binabalikan?

Past na sya at Present ako.
Pero masakit lang na sya ang pinili mo.

Imbis na si X ang kinalimutan mo
Ako na si Y ang iniwan at kinalimutan mo.

Ako'y ginawa mong panakip butas
Para mawala ang sakit na iyong dinaranas.

Hindi ko pa din matanggap
Na ako'y iniwan mo sa isang iglap.

Isa,dalawa,tatlo,tatlong buwan na ang lumipas
Pero mas pinili mo talaga si past.

Ngayon di na ako aasa
Na ika'y babalik pa.

Kaya't kailangan na kitang ibaon sa limot
Nang mawala na ang lahat ng sakit at kirot.

UNTOLDWhere stories live. Discover now