Pag ikot ng mundo

297 2 0
                                    

Nang ika'y aking nakilala
Ako'y naiinis sa'yong pagmumukha.

Nang panahon na iyon inamin mo ang iyong nararamdaman
At iyon ay lalo ko lang kinainisan.

Nang nalaman ng aking mga kaibigan
Ako'y kanila nang pinagtripan.

Ako'y iyong chinat ng mga bagay na walang kabuluhan
At ito naman ay aking tinugunan.

Makalipas ang ilang linggo di ko na namalayan
Na ako'y nahulog na at sayo'y may nararamdaman.

Nang panahon na iyon tila nagkabaligtad ang ating mundo
Sapagkat ako na ang naghahabol sayo.

Ako'y iyong nilike zone
At feeling ko ako'y nafriend zone.

Tayo'y patuloy pa ring nag uusap
Ngunit di ko na alam ang nagaganap.

Hanggang sa aking nalaman na ika'y may gusto ng iba
At siya pa'y iyong ipinakilala.

Bakit kung kailan ako'y tuluyang nahulog ako'y di mo na kayang saluhin?
Dahil ba may nagustuhan ka nang iba?At panandalian lang ang akin?

Ako'y umaasa pa din na lahat ay manunumbalik
Ngunit ano pa ang aking aasahan kung di ka na babalik?

Tayo'y nasa isang bilog at mistulang paikot ikot.
Habang siya'y biglang susulpot.

Para tayong linya, tayo'y pinagtagpo
Pero hindi itinadhana ni kupido.

Nagbibigay ka pa nang motibo
Upang ako'y umasa sayo.

Tuwing magkasama tayo
Bigla siyang dadating upang paghiwalayin tayo.

Kumbaga sa linya, tayo yung parallel line na dapat magkasama
At siya naman yung transversal line na naghihiwalay sating dalawa.

UNTOLDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt