Katanungan

337 6 0
                                    

Manhid ka ba?
O sadyang ganyan ka?

Hindi kita maintindihan
Sa tuwing tayo'y nagkakatinginan.

Tila ba may nais kang sabihin
Ngunit di mo kayang bigkasin.

Hindi naman sa nag-aasume ako
Nagbabakasakali lang ako.

Pareho lang ba tayo ng nadarama?
O tila ako'y nagpapantasya?

Marami akong nais itanong
Na sayo'y di ko matanong-tanong.

Dahil sa tuwing ika'y kausap
Tila ako'y nauutal sa'yong harap.

At sa tuwing ika'y nakikita
May kung ano akong nadarama.

Matagal na kitang kinalimutan
Ngunit bakit ngayo'y di ka malimutan?

Anong nangyayari?
At ito'y bumabalik sa dati?

Ako'y gulong-gulo na
At litong-lito na.

Hindi ko rin mawari
Ang aking sarili.

Isa lang ba itong paghanga?
O mas higit pa?

Mukhang marami na akong katanungan
Na wala namang tiyak na kasagutan.

UNTOLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora