Pangako

391 3 3
                                    

Paano ko ba sisimulan?
Ang iyong pangakong walang katapusan?

Halos lahat na ata ng pangako
Ay iyo nang naipangako.

Sisimulan ko na ito,
Sa'yong unang ipinangako.

Ika'y nangakong sabay natin
Tutuparin ang mga pangarap natin.

At ika'y nangakong ako'y di iiwan
Ngunit anong nangyari at ako'y iyong iniwan?

Paano na lahat 'yon matutupad?
Ngayong di ko alam kung saan ka napadpad?

Panghahawakan ko pa ba?
O bibitawan ko na?

Ang iyong mga pangako
Na tila ba napapako.

UNTOLDWhere stories live. Discover now