The Memories

314 1 0
                                    

Ako'y may naalala,
Alaala nating dalawa
Noong panahong tayo'y magkasama
Ngunit di na dapat balikan pa.

Alaalang binaon ko na sa limot
Para mawala ang sakit at kirot
Ngunit itong isip kong malikot
Tila ayaw makalimot.

Alaala ng nakaraan,
Noong tayo'y masayang nagtatawanan
Habang nakatingin sa kalangitan
At nakahiga sa damuhan.

Ang ating mga usapan
Na walang kabuluhan
At puro lang kabulastugan
Ay aking binabalikan.

Naalala ko pa noong ika'y nagka nobyo
Ika'y masaya pang nagkukwento
Nang mga pangyayari sa inyo
Habang ako nama'y nakikinig lamang sayo.

Di ko pa malimutan ang iyong mga ngiti
Na tila'y kasing tamis ng kendi.
Ang iyong mapupulang pisngi
At iyong kutis na maputi.

Ngunit isang araw, Ika'y biglang nagbago.
Ang iyong ngiti na sing tamis ng kendi ay tila naglaho
At napalitan ng isang walang emosyon at tila blangko
Kaya't ako'y biglang nanibago.

Ang iyong mga mata na puno ng mga emosyon
Ngayo'y biglang naging walang emosyon.
Kaya't di ko napigilan ang sarili at ika'y aking tinanong
Ako'y nagulantang ng sinabi mong niloko ka lang ng gunggong na 'yon.

Tila nag iinit ang aking mukha
At nais sapakin ang kanyang impaktong mukha.
Ang kapal ng mukha! Napaka walang'ya!
Lakas ng loob saktan ka, samantalang pinaka-iingatan kita.

Lumipas ang araw at ika'y nananatiling malungkot
At ang mukha mo ay laging nakalukot
Na sinasabayan ng noo mong lukot
At likod mong walang sigla at baluktot.

Nakakapanibago na
Ang iyong kilos at inaasta
Kilala pa ba kita?
Sa tingin ko'y hindi na.

Dahil unti unti ka nang naglalaho
Kasabay ng iyong tuluyan na pagbabago
Nang dahil lang sa isang tao
Na walang ibang ginawa kundi ang ika'y niloko.

Nakakamiss na yung dating ikaw
Yung magkasama tayo araw-araw
Yung mga ngiti mong nakakasilaw
At yung mga galaw mo na magaslaw.

Babalik ka pa ba sa dati?
Yung palangiti at masaya parati?
Yung sa tuwing ngingiti ay masisilayan ang ngipin na mapuputi?
Sa tingin ko ay malabo nang mangyari.

Lumipas na ang ilang araw at buwan
At tayo'y nanatiling walang pansinan.
Sa tuwing dadaan ka sa aking harapan
Ako'y parang hangin at wala lang.

Masakit at hindi katanggap-tanggap
Na kaya mong magpanggap
Na tila ako'y wala sa iyong harap
At di kumukurap.

Ngunit kailangan kong tanggapin
Kahit masakit sa damdamin
Ang tuluyang paglaho ng pagkakaibigan natin
At lahat ng pinagsamahan natin.

Kaya't paalam na sa lahat ng alaala
Mga alaalang magkasama nating ginawa
Noong panahong tayo'y laging magkasama
At magkaibigan pa.

UNTOLDWhere stories live. Discover now