Chapter 1: Unang Rampa

28K 488 47
                                    

Chapter 1: Unang Rampa

Tahimik lang akong nakaupo sa isang tabi habang pinagmamasdan ko ang pabalik-balik na paglalakad ni Ninong Carding sa harapan ko. Ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa kanyang bewang at ang kaliwa naman ay sa napapanot niyang bumbunan. Makulimlim ang kanyang mukha at nakakunot ang kanyang noo. Kung pagmamasdan si Ninong ay parang pasan niya ang daigdig.

Tsk! Siguradong lagot ako.  Mahabang sermon at laksa-laksang pangaral ang aabutin ko nito.

Hindi nagtagal ay huminto din sa paglalakad si Ninong. Itinuon niya ang mata niya sa akin at huminga siya ng malalim. "Magpaliwanag ka, Cielo," saad niya.

Huminga rin ako ng malalim bago ko binuksan ang bibig ko. "Hindi po ako ang nagsimula. Ganito po kasi ang nangyari. Kasama ko po sina — "

I was not able to finish explaining because someone butted in. Halos hysterical ang boses niya habang itinuturo ako.

"Inagaw po niya si Tonton sa akin, kap! Mang-aagaw po nang syota ang babaeng yan! Mang-aagaw!"

I rolled my eyes. Imbes na patulan pa siya ay mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. The hysterical girl was Maruja. Pero mas kilala siya sa lugar namin bilang Maruja Maharot.

Hindi ako ang nagbigay sa kanya ng bansag na iyon. Sa totoo lang ay hindi ko siya kilala ng personal pero naririnig ko ang pangalan niya kapag napapadaan ako sa umpukan ng mga tsismosa sa may tindahan. Sa pagkakaalam ko ay notorious siya aming baranggay dahil nga sa pagiging maharot.

Hindi ako interesado sa kanya o sa buhay niya pero hindi ko akalain na darating ang araw na mai-involve ang pangalang Cielo Samonte sa pangalang Maruja Marahot.

"Kap, inagaw niya ang jowa ko!!!" Wala pa rin niyang tigil na bintang

I almost snorted pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay bumaling ako sa Kap na tinutukoy niya na walang iba kundi si Ninong Carding.

Nasaan nga ba kami ni Maruja?

Edi nasa Baranggay Hall.

Anong ginagawa namin dito?

Hinuli kami ng mga tanod at dinala dito dahil sa pag-eeskandalo sa kalye.

Pero wala naman akong kasalanan! Kasalanan lahat nitong babaeng ito na simula kanina ay naghi-hysteria. Nagwawala at nagsisisigaw dahil inagaw ko daw ang boyfriend niya.

Is she freaking kidding me? Paano ko aagawin ang boyfriend niya na hindi ko naman alam ang pangalan.

"Pwede ba, Maruja, kumalma ka muna!" Maging si Ninong ay nagtaas na ng boses. "Itikom mo muna yang bibig mo habang nagsasalita si Cielo. Wala tayong maayos sa pagsigaw mo. Kumalma ka muna dyan. Mamaya ay magkakaroon ka rin ng pagkakataon na magpaliwanag,"

Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na nang tila maamong tupa na yumuko si Maruja at nanahimik. 'Buti nga sa kanya. Dapat talaga sa babaeng ito ay sinasaway na may kasamang sindak para umurong ang dila eh.

"Sige na, Cielo. Ituloy mo na ang sinasabi mo," ani Ninong sa akin.

Muli akong huminga nang malalim at sinimulan kong isilaysay ang mga nangyari kanina.

****

"Cielo, daan muna tayo sa bahay nina Badet bago tayo tumuloy sa plaza," saad nang kaibigan kong si Esme.

Mula sa hawak kong kandila ay napatingin ako sa kaibigan ko. Nasa gilid kasi kami ng daan at hinihintay namin ang pagdaan ng prusisyon. Today's the feast of San Carlos kaya may mga nagaganap na prusisyon at mamaya naman ay may palabas sa plaza.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now