Chapter 24: Hide and Sick

12.8K 246 24
                                    

Chapter 24: Hide and Sick

Holy mother of tempura! Kley's here! What to do? What to do?!

Wala sa loob kong kinuha ang baso ng iced tea at uminom. Shit! Sunod-sunod ang ginawa kong pag-ubo dahil nasamid ako. Hindi ko mahamig ang sarili ko upang matigil dahil pati sa ilong ko ay pumasok ang iced tea.

Ang sakit!

Maluha-luha na ang mata ko habang patuloy pa rin sa pag-ubo.

Pangalan pa lang ay ganito na ang epekto sa akin. Hindi ko pa siya nakikita.  And I refused to look at him kahit na para akong tanga rito na ubo ng ubo at halos isubsob ang mukha sa tempura na kinakain ko.

"Ayos ka lang, Ciel—"

"Ayos lang ako!" Putol ko kay Coleen bago pa niya masabi ang pangalan ko.

Nang sa wakas ay tumigil ako sa pag-ubo ay umayos ako ng upo. Pumihit ako para kahit papaano ay nakatilikod ako sa grupo nina Kley na nasa kabilang lamesa lang.

Coleen gave me a wondering look. Maybe I was weirding her out. Pero sa huli ay  inabutan pa rin niya ako ng tissue.

Tinanggap ko iyon at nagpasalamat.

Habang pinupunasan ko ang mukha ko  ay hindi ko  rin naiwasang tignan ang nasa katabi naming lamesa sa gilid nang aking mata.

Kley was really here. At iilang mga lalaki na kasama niyang dumating. Sila ang mga barkada ni Kley sa school.

I could'nt help but observe them. Si Kley at ang mga kaibigan niyang lalaki ay umupo na. Nagkagulo sila sa pagpili ng pagkain.  Maiingay at minsan ay nagtatawanan silang lahat maliban kay Kley.

Umupo siya sa tabi ni Julia pero tahimik lang siya. Nakalapat ang likod at nakasampay ang dalawang braso sa backrest ng upuan.

I know that I should not look at him but I couldn't help myself. He was very pleasing to the eyes.

He was wearing his usual v-neck shirt and faded denim pants. Simple pero ang lakas ng dating niya. Gwapo talaga kahit saang anggulo.

"What's our plan later?" It was Julia.

"There's a new bar in the red district . Wanna go there?" One of Kley's guy friend. I think his name is Gio.

Ilang beses din kasi na pinupuntahan si Kley ng mga kaibigan niya sa library. And Kley once introduced to them.

The chinito guy is Gio. 'Yung pinakamaingay ay si Mark. The one wearing glasses is Justine. And si Lloyd, arogante siya katulad ni Kley.

Everyone agreed to the bar Gio suggested except Kley. Wala siya kahiy anong naging reaksyon.

"What do you think, Kley?" Julia asked him.

Napakunot-noo ako. I saw his lips move but I didn't hear what he said.

"Fine. Kung ayaw mo doon sa bar na sinabi ni Gio, where do you want to go? You decide," saad ulit ni Julia.

This time, I heard his answer and he said,"I won't go with you. I just want to stay in my condo tonight."

After Kley said that ay narinig ko ang kantiyawan ng mga kasamahan niya.

"What's wrong with you, dude?" Tanong pa nang isa. Si Lloyd. "You've been acting strange lately."

Someone snorted. It was Denise. "Baka Kley's nahawaan na ng wierdness nung baduy girl na kasama niya sa library."

O bakit nasali ako sa usapan?

"Oh yeah, the wierd ugly girl," Si Lloyd naman ang nagsalita. Napakunot noo ulit ako. Not because he called me wierd ang ugly pero dahil parang may laman ang kanyang sinabi.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now