Chapter 78: Change

7.5K 230 61
                                    

Chapter 78: Change

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

There was big part of me that wanted to get on my feet and run. Gusto kong magtago. Gusto kong pumasok sa loob ng bahay at protektahan ang sarili ko mula sa maaaring gawin ng sino mang sakay ng itim na kotse.

But a little side of me waited in anticipation.

Yes, anticipation. Hindi ko maaaring maipagkailang may maliit na bahagi sa pagkatao ko na umaasa na kung sino man ang nasa loob ng kotse ay isang tao na hindi ko katatakutan.

Nanlalamig ako at bahagyang nanginginig ang mga kamay. My heart was pumping to much blood. Brian noticed it so he snaked his arms around my shoulders. He pulled my body closer to him.

"Cielo..." He said.

His voice was full of concern. "Pumasok ka kaya muna sa loob?"

Pero hindi ko siya nagawang pansinin. Ang buong atensyon ko ay nasa kotse pa rin. Tumigil ang makina noon at namatay ang mga headlights.

I held my breath as the door on the driver's side of the car slowly opened. Unti-unti ang pagluwag ng pagbukas ng pinto na para bang naka-slow motion ang paligid.

And then after what felt like an eternity, the driver finally emerged from the car. My hands that were resting on the table trembled. My whole body trembled.

Because the driver of the car was him. Kahit hindi siya ganoon kalapit sa akin at madilim ang paligid ay alam kong siya iyon. How could I forget his face? Galit ako sa mukhang iyan.

Gusto ko talagang tumakbo palayo pero dahil sa pangingig ay hindi ako makakilos.

His eyes surveyed our yard for a second until his gaze finally landed on me. Wala along nakitang kahit anong emosyon na dumaan sa mukha niya pagkakita niya sa akin. His face was cold, distant, expressionless.

Narinig ko ang pagsinghap ni Coleen kaya napatingin ako sa direksyon niya. Madi and George was up on their feet at once. Halata Ang galit sa mukha nila. Alam kong hindi sila magdadalawang isip na makipagsuntukan para lang maipagtanggol ako.

"What the hell are you doing here?!" Madi snarled.

He just shrugged his shoulder and took some steps toward us.

"What do you care, Vera?" He asked in a stern but at the same time arrogant voice. Parang walang siyang pakialam sa galit ni Madi. He did not even look at him. His eyes never left mine. "I didn't come here for you."

Napapikit ako nang marinig ko ang boses niya. Yes I hate him. Pero kahit na galit ako sa kanya, siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Siya pa rin ang gusto kong makasama. I hated him for abandoning me. I hated him for disappearing and leaving without a word but despite all of that, there was no doubt that I love him. Hindi nabawasan. Hindi natabunan ng galit. I acted that everything's okay this past few months in front of everyone but deep inside, there was a big whole inside of me that could only be filled by him. I longed for him.

Hindi ko binanggit ang pangalan niya kahit minsan. Walang nagtanong tungkol sa kanya. Ang akala ng lahat ibinaon ko na siya sa limot pero ang hindi nila alam ay siya ang una kong naiisip kapag nagigising ako sa umaga at ang huli bago ako matulog sa gabi. My secret prayer was all about him. Hinihiling ko sa Diyos na sana ay bumalik siya para sa akin.

Oo nga at lumayo ako. Oo nga at hindi ko siya hinanap but deep inside my heart ay hiniling ko na sa ay siya ang humanap sa akin .

And right now, parang panaginip lang ang lahat. Parang hindi totoo na yung matagal ko nang hinihiling ay nangyayari na. That he was back for me.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now