Chapter 10: The Disguise

14.4K 293 26
                                    

Chapter 10: The Disguise

Tahimik lang akong nakaupo sa isa sa mga table sa loob ng isang kilalang coffee shop. Pamaya't maya ay napapatingin ako kay Coleen na nakaupo sa hindi kalayuan. Hindi siya tumitingin sa akin at panay lang ang pindot niya sa kanyang cellphone.

She was smiling every now and then. At kung hindi ko siguro alam kung ano ang dahilan ng pag-ngiti-ngiti niya ay baka isipin ko na nababaliw na siya.

Kagabi, nang sakay kami ng kotse niya at papunta sa bahay nila ay sinabi niya sa akin ang naisip niyang "napakaganda" at "napakaepektibong" solusyon sa patong-patong kong problema.

What she  said sounded absurb to me at first. Ang akala ko nga ay nagbibiro lang siya kaya napatawa pa ako pero nang makita ko ang seryoso niya mukha ay na-realize ko na desidido siyang subukan namin ang naisip niya.

Kaya kahit hindi ako sigurado kung effective nga ang solution niya ay pumayag ako sa gusto niya. At isa pa, sa sitwasyon ko kasi ay wala na akong masyadong pagpipilian.

At ngayong umaga, makikipagkita kami kay Madi. Aalamin daw namin ang success rate ng kanyang sobrang bright idea.

"Cielo!" Pabulong ngunit may diin na tawag niya sa akin.

Lumingon agad ako sa kanya at nakita ko na inginunguso niya ang entrance ng coffee shop. Mabilis akong bumaling doon and I saw Madi, nakakunot ang noo at palinga-linga. But when his gaze met Coleen's, his face automatically lightened up.

He really love her, I thought.

Agad siyang humakbang palapit sa kinauupuan ni Coleen. He gave her a peck on the cheeks before sitting on the vacant chair in front of her.

I was sitting parallel to Coleen and we were seperated by two vacant tables kaya kita ko pa rin si Madi.

"Bakit ang tagal mo?" Coleen asked.

"I had to meet Papa's secretary first. Papa sent him here to discuss Cielo's situation." He anwered.

Dahil hindi naman ako masyadong malayo sa kanila ay malaya kong napakikinggan ang usapan nila. I slightly leaned towards them para mas lalo kong marinig. It's me that they're talking about naman.

"Anong sabi niya?" She asked again.

Nakita ko ang marahan pagtaas at pagbaba ng mga balikat ni Madi, senyales ng isang malalim na buntong hininga. I held my breath and I waited for him to speak up.

"Like what I already said last night, the de Dios' hired a bunch of investigators to find Cielo. We couldn't stop them in doing such kaya may posibilidad na hindi magtagal ay mahanap nila siya."

"Isn't that illegal? Can't we sew them? Yeah, we can sew them!" Coleen suggested.

"No, we cannot. Hiring investigators to find a person is not illegal. But we thought of filing a Temporary Restraining Order againts Alfred. Our lawyer is already working on that pero baka matagalan ang pagbaba ng desisyon. Until that time, the only thing that we could do is too keep Cielo away from Alfred's sight."

Nanghihina akong umayos ng upo. I closed my eyes and leaned on the chair. This is far worse than what I initially thought.

Ganito na ba kalala ang pagkagusto sa akin ni Alfred? That he ended up hiring private investigators just to find me. Anong gagawin nila kapag nakita nila ako? Pupuwersahin nila akong ibalik kay Alfred?

All of a sudden, something hit me. This situation with Alfred is not as simple as a 'boy likes girl thing'. Sa umpisa palang ay hindi na ganoon. Kung simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ni Alfred para sa akin ay liligawan niya ako at susuyuin. Maghihintay siya ng magiging sagot ko at hindi basta nalang susulpot sa bahay namin na may dalang pagkain para mamanhikan. Kung simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman niya para sa akin ay hindi niya ako tatakutin at iba-blackmail.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now