Chapter 32: Mean Girls

12.5K 228 18
                                    

Chapter 32: Mean Girls

It's Monday morning. Nakatulog ako kagabi na masaya at ngayong umaga ay nagising akong may ngiti sa labi.

Masasabi ko na ang first date namin ay one of a kind. I was umcorfortable all throughout but nevertheless I was without a doubt happy kahit na nagbangayan naman kami habang nanonood kami ng sine at hanggang maihatid niya ako sa condo.

We had this argument about him kissing me.

Sinabi ko kasi sa kanya na hindi niya dapat ako hinahalik-halikan sa labi o kahit sa pisngi lang. He was fuming about it. Bakit daw hindi pwede?

Idinahilan ko naman na dahil nanliligaw pa lang siya at iyon naman talaga ang tama?

Sino ba namang matinong manliligaw ang maya't mayang nagnanakaw ng halik?

Ang sagot niya sa akin?

"Kailan pa hindi pwedeng humalik ang nanliligaw sa nililigawan?"

Natawa ako nang itanong niya iyon.

"Duh Kley! Since the time of kopong-kopong!" Sagot ko naman.

The guy is really clueless when it comes to courting girls. Sabagay, hindi naman niya kailangan manligaw because girls fall at his feet. Sigurado din, marami na siyang nahalikan kahit walang relationship status. Halimbawa na lang ay ang mga babae na dinadala niya noon sa library.

Tumataba ang puso ko kapag naiisip ko na ako ang unang babaeng pinaglaanan niya ng ganitong klaseng effort.

Hay! Kung wala lang akong pasok ngayon ay mas gugustuhin kong maghapong humiga sa kama at titigan ang picture niya sa cellphone ko.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at palihim ko siyang kinuhan ng picture. Pero hindi ako nagsisisi. Ang sarap kasing titigan ng lalaking ito. Kahit stolen lang ang shot ay gwapo pa rin siya.

Para akong tangang kinikilig habang tinitignan ang picture niya sa ceelphone.Ayaw ko pa sanang lubayan ang picture niya pero kailangan ko nang maghanda paea pumasok.

****

Nagtuloy-tuloy ako sa labas ng condo building para hintayin ang pagdating ng kotse ni Madi subalit natigilan ako ng may mahagip na pamilyar na lalaki ang mga mata ko. Nakasandal siya sa kanyang kotse at nakangisi sa akin.

Oh no! Bakit nandito ang kumag na 'to?

Sa mabilis na mga hakbang ay nilapitan ko si Kley. He's as handsome as I last remember pero wala na akong oras para purihin siya. Kailangan ko siyang mapaalis bago pa dumating si Madi.

Hindi naman sa ayaw ko silang magkakilala pero hindi pa ito ang tamang oras. I haven't sorted my feelings yet. Hindi pa ako sigurado kung ano ang balak ko kay Kley. Yes, I am falling for him more and more but I still have a lot of doubts.

Ilang hakbang na lang ang layo ko kay Kley ng isang pamilyar namang kotse ang nakita kong pumarada sa harap ng kotse ni Kley. It was Madi's.

I froze. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Cielo, let's go. We're running late," tawag sa akin ni Madi mula sa nakababang bintana ng kotse niya. Marahil ay napansin niya na hindi ako kumikilos.

I bit my lower lip. Mula kay Madi ay inilipat ko ang tingin ko kay Kley. I almost groan when I saw the expression of his face. Nawala ang ngisi ni Kley sa labi. He's scowling at me now.

"Cielo, c'mon!" Tawag ulit sa akin ni Madi.

Akma akong pipihit para pumunta na sa kotse ni Madi nang kumilos si Kley. He opened the shotgun seat's door of his car. He was silently saying na kanya ako sumabay.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now