Chapter 17: Si Madonna at Si Estefanio

13.1K 243 14
                                    

Chapter 17: Si Madonna at Si Estefanio

Two weeks had already gone by pero wala pa rin akong pinagsasabihan sa mga nangyari at nangyayaring kababalaghan sa library.

Patuloy pa rin si Kley sa mga extra curricular activities niya. I am not sure why he's still doing it. Maybe because I kept my mouth shut and now he's mocking me. Maybe he's trying to bait me? Pwede rin naman mahilig lang talaga siya at  gusto  niya  dito sa library.

Kahit ano pang ang dahilan niya, bahala siya. I've already decided that I would  keep my mouth shut. Hindi ako takot kay Kley. Pero ayaw ko ng pumasok sa gulo. Ayaw ko nang magulo ang buhay ko na sa wakas ay naging tahimik din.

But having said that, I tried some things to keep Kley and his girls from coming back in the library.

Ilang beses akong nag-request na lagyan ng ilaw ang madilim na parteng iyon ng library pero hindi nagtatagal ang buhay ng mga ilaw na iyon. Laging ayaw na na sumindi isang araw pagkatapos mapalitan.

"Hayaan mo na Cielo,hindi naman tayo ginagambala ng mga kaluluwang iyon," sabi sa akin ni Ma'am Lucil nang hiniling ko na palitan ulit ang ayaw sumindi na ilaw.  "Ang gusto lang nila ay ang madilim na sulok na iyon. Aba, pampitong ilaw na 'yang nasira hindi ba? Baka mabulabog lang sila at magalit kung patuloy natin na susubukang na maglagay ng ilaw doon."

I almost snorted. Kaluluwa my face.

Galing ng kumag na si Kley. Paano niya kayang nagagawang hindi na magsindi ang mga ilaw na iyon?

Kaya pagkatapos masira ng pampitong ilaw ay hindi na ulit ako nag insist.

Isa pa ay talagang paniwalang-paniwala si   Ma'am Lucil na may kasama talaga kaming multo sa library. At hindi lang daw isa kung hindi dalawa. At may mga pangalan pa.

Si Madonna at si Estefanio.

Sabi ni Ma'am Lucil, magkasintahan daw sina Madonna at Estefanio. Hindi raw pabor ang mga magulang ni Madonna sa pag-iibigan nilang magkasintahan dahil isa lamang hamak na manggagawa si Estefanio samantalang galing naman sa isang buena familia si Madonna.

Isang gabi, nagpasya daw magtanan ang magkasintahan dahil nalaman nila na ipapadala nila si Madonna sa Europe. Subalit nalaman ito ng pamilya ng babae. Hinabol silang dalawa at naabutan sila sa mismong spot kung saan naroroon ang mga history book sa kasalukuyan.

Ang hindi alam ng mga humahabol sa kanila ay may dalang baril si Estefanio. Napagkasunduan daw ng magkasintahan na kung sakaling mahuli sila ay pipiliin nila na tapusin nalang ang kanilang buhay kaysa tuluyang magkalayo.

Kaya sa mismong lugar na iyon, nagbaril si Madonna at si Estefanio.

Halos maiihi ako noong ikinukwento ni Ma'sm Lucil ang tragic na love story ni Madonna at Estefanio.

Ngunit hindi iyon dahil sa takot kung hindi dahil nagpipigil ako ng tawa.

Paano ba nalaman ni Ma'am Lucil?

Kumunsulta daw siya noon sa isang  paranormal expert.

Takutin ako pero sa narinig kong takbo at detalye nang kwento ay alam kong fake ang espiritista ni Ma'am Lucil.

At syempre pa, dahil na rin siguro sa alam ko na ang katotohanan sa likod ng mga misteryo ng kababalaghan sa library.

Hindi sina Madonna at Estefanio kundi si Kley at ang mga babae niya.

Lumipas pa ang ilang araw at patuloy pa rin si Kley sa kanyang mga gawain. Hindi ko alam kung nasasanay na ba ako kaya minsan ay hindi ko na siya pinapansin.

Dyosa in DisguiseWhere stories live. Discover now