Kabanata 1

4.1K 237 33
                                    

Kabanata 1:
Nakaraan

Hinimas ko ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng sakit saka dahan-dahang minulat ang mga mata. Humikab ako saka inunat ang katawan. Kinapa ko ang ulo ko nang maramdaman kong may nakabenda rito habang marahan pa ring nakapikit.

Nang tuluyan ko ng minulat ang mga mata ay nagulat ako sa kung ano ang nadatnan. Pinagmasdan ko ang paligid na gawa sa kahoy.

Its design has evolved throughout the ages, but still maintains the bahay kubo's architectural basis. It is elevated, overhanging wooden upper-storey with balustrades, windows under sliding windows and it looks like a house during Spanish colonization. Am I somewhere in Vigan?

Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin na na nasa gilid ng lamesang gawa sa kahoy. Iniaanggulo ko ang sarili sa salamin habang hawak ang suot na damit. Mukha itong totoo at matibay, kumpara sa mga naisuot ko noong elementary pa lamang ang isang ito ay para bang totoong ginawa ng mananahi noong unang panahon.

It was a white camisa, that maybe made in pineapple fiber or muslin with pink stitches on the edge of it and a floor length pink checkered skirt. Mukha akong nasa balagtasan!

"Nasaan ako?! Sa-saan 'to?" Naghihisterya kong tanong sa kawalan.

Maghi-hysterical na sana ako nang maramdaman pa din ang sakit ng ulo, nakabenda ito at sa tingin ko nga'y dumudugo pa.

I was startled by the guy who suddenly showed up. He's moreno and has masculine feature. Mawawala na sana ako sa sarili until I realized, I don't know him!

"Kuya please, let me go! May binubuhay pa po akong kapatid, isa pa hindi na po kami mayaman, wala po akong pangransom" I pleaded.

Nanlalaki ang mata niya at tila gulat na gulat. Para ba siyang nababalisa sa kanyang kinatatayuan. Hindi naman siguro siya masamang tao kasi ang pogi niya para maging sindikato or kidnapper. Ang landi ko talaga!

"Umm.. Ma-mabuti ba ang iyong pakiramdam?" tanong niya na nakapagpatayo ng balahibo ko. Hindi lang sa katawan siya lalaking-lalaki, even his voice can make your ear flatter. 

Hahawakan niya na sana ako sa magkabilang balikat pero napasigaw ako sa takot.

"Tuloasjfwyaaah-" paninigaw ko pero tinakpan nito ang bibig ko kaya di na natuloy ang aking pagsigaw. Pilit akong kumakawala pero hinawakan niya gamit ang isang kamay ang magkabila kong palapulsahan at ipinako ito sa pader. Ang isa niyang kamay ay nanatili sa aking bibig.

Napalingon kami sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang matandang babae, nalaglag ang panga nito at nakatakip pa ang bibig habang nakatingin sa amin. Ito ay nasa fifty o baka higit pang edad kung aayon sa kanyang hitsura, nakasuot ito ng puting floor length na bestida. Mukha itong estrikta kaya't nadgdagan ang aking takot.

"hijo, bitawan mo nga siya" pagsisita ng matanda. Bahagya kami nagkatitigan ng lalaki hanggang siya'y nahimasmasan sa kung ano ang posisyon naming dalawa at binitawan na nga ako.

"Paumanhin, Kapitan" 

Iniripan ko naman siya at tumalikod.

"Amara? Mabuti ba ang iyong pakiramdam?" kinalabit ako ng matanda kaya hinarap ko sila pero hindi ko sila tinitignan sa mata.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon