Kabanata 33

656 34 26
                                    

Kabanata 33:
Katipunan

Tumingala ako upang saludin ang natitirang luha sa mata. Binuksan ko ang pintuan ng aming kwarto at bumungad sa akin ang nakahalukipkip na si Susan at nakapaligid sa kanya ang mga kasamahan namin.

"Anong nangyari?" bungad ko.

I squatted in front of her. Lumuluha siya pero para bang pinipilit na hindi.

"Anong problema?" Dinungaw ko siya.
Isang madilim na tingin ang natanggap ko sa kanya kaya't dinapuan ako ng takot.

"Ba-bakit?" I flinched.

Pumikit siya kasabay ng pagbagsak ng kanyang balikat at tumingin sa akin nang namumungay ang mata. Ngumiti siya sa akin at sumunod ay sa mga taong nakapaligid sa amin

"Wala, walang problema." Tipid siyang ngumiti at saka umalis patungong labas ng kwarto.

Nagkatinginan kami ng mga kasamahan ko.

"Ano kayang nangyari kay Susan, simula nang maghiwalay sila ni Ybañez ay naging ganito na siya," malungkot na untag ni Erlinda.

Sumang-ayon kaming lahat. Walang nagawa si Susan kung iyon talaga ang desisyon ni Ybañez, wala rin akong karapatan na pilitin pa uli si Ybañez lalo na't alam ko na kung ano ang nararamdaman niya. Ang tanging magagawa ko lang ay damayan siya.

Pagkatapos ng hapag ay agad na may pinagkaabalahan ang lahat. Sinundan ko ng tingin si Rowena na dumulog sa terasa ng kwarto.

Nadatnan ko siyang sumisinghal ng tobacco.

"Naninigarilyo ka pala," I shrugged.

Nilingon niya ako at diniin ang upos ng sigarilyo sa sinisero.

"Minsan lang, kapag may iniisip."

Dumungaw siya sa estero at pinanood ang mabini at tahimik na agos nito.

Giniya ko ang ilog kaya't napalingon si Rowena sa akin.

"Kawawang ilog.." I felt grim towards the river.

"Bakit naman iyan nakakaawa? Mabuti pa nga iyan ay walang kapighatian sa puso, walang pinatay sa pamilya niya ang tanging ginagawa niya lang sa mundo ay umagos at magbigay tubig sa nauuhaw." Tumikhim siya.

"Hindi natin alam, dahil wala silang boses, pero sa mga ilog dumadanak ang mga dugo ng mga nangamatay at marahil ay natatakot na sila sa mga nasaksihan dahil sa kagagawan ng mga tao." I said in a mocking tone and  shrugged.

Nagtaas ng kilay si Rowena at pinagmasdan ako. Para bang namamangha sa kung ano ang susunod kong sasabihin.

Napakaganda niya talaga kahit napakasungit. Ang kanyang tindig ay panlalaki at ang kanyang mga tamad na tingin ay nakakatakot. I wonder if he has a boyfriend?

"At sa darating na panahon, imbes na kulay asul ay magiging kulay itim na 'yan, tatambakan ng basura, at dahil rin iyon kagagawan ng tao."

Totoo nga ang sinabi sa akin ni Eugenio, noon.

When we were young we open our eyes scared of ghosts but as we grow older we witness and proved that people are scarier.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon