Kabanata 18

974 49 0
                                    

Kabanata 18:
Balak

Maaga kaming nagpunta ng ilog para maglaba dahil sa ilang piraso lang naman ang mga damit namin, kailangan ang mga itong malinisan kaagad.

Dala-dala ko ang isang batya na may lamang piraso ng mga kamisa ko. Ganoon rin si Susan, si Lola Lourdes naman ay sinasamahan kami para daw mas ligtas at saka baka maligaw pa kami dahil may kalayuan ang ilog.

"Bakit di na lang tayo sa dagat? ang layo-layo no'ng ilog eh" ngumuso ako.

Awtomatiko namang kumunot ang noo ko nang magngisihan sila Lola Lourdes at Susan.

"Marahil ay anak ka nga ng heneral kaya ganiyan ka ngunit kailangan mo na ding matuto ng mga ganitong bagay, Diecinueve(nineteen) ka na at sa pagdating ng panahon ay ikakasal na kayo ni Irineo" ani Lola. Tumango-tango ako.

Sumasang-ayon din naman ako kay Lola dahil mag-asawa man ako o hindi ay obligasyon ko pa din ang mga ganitong bagay. Though my mom already taught me about these, I still can't manage to do chores properly. Tignan na lang natin ngayon kung may improvement.

"O kaya nama'y humingi ka na lamang ng salapi sa iyong mga magulang, marahil nga'y nasunugan kayo ngunit ang kayamanan ng mga Montenegro ay hindi naman ito basta basta nauubos" nabaling ang tingin ko kay Lola.

Four months pa lang ang nakakaraan simula nang makasama ko sila, inaamin kong magaan na ang loob ko sa kanila  dahil kahit na marami akong naidulot na kamalasan ay tinatanggap pa din nila ako except for Amara's father who treats me as if I/ Amara isn't his child. Kaya nakakatakot at nakakahiyang humingi ng halaga ng pera sa kanila, para na din akong nanlimos sa hindi ko naman kamag-anak.

"Isa pa ay paborito mo nga ang paglalaba, noon pa nga ay nais mong ipaglaba pa ang iyong Ama't Ina" pangaral ni Susan. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, lumayo na lang ako ng kaunti para 'di na namin pag-usapan ang paglalaba.

"Tulungan na kita Susan" naningkit ang mata ko sa dalawang nasa likod ko na matamis na nagtititigan. Kinuha ni Ybañez ang plangganang bitbit ni Susan, namula ang pisngi niya kaya bahagya siyang yumuko para hindi namin mahalata.

"Haysusss, yuko-yuko ka pa dyan Susan, halata namang kinikilig ka!" tukso ko sa kanya. Bahagya akong lumuhod para magpantay ang paningin namin. Mas lalo siyang nagmukhang kamatis.

Nag-angat ako nang tingin at nadatnan kong si Ybañez naman ang namumula. Mataman akong tumango habang hawak ang baba. Oww, I smell something fishy huh.

Simula nang piging sa Angeles ay naging close na ang dalawang ito, natutuwa akong makitang masaya si Susan sa kabila ng mga nangyari sa'min and knowing the fact that she's with a gentle and smart guy.

"Kabataan nga naman" bulong ni Lola at sabay kaming humagikhik.

"Kung makangisi ka riyan binibini, akala mo naman ay walang naganap na pagkikita sa inyo ni Irineo noong isang araw lamang" nanlaki ang tenga ko sa narinig mula kay Ybañez, dahil sa naramdamang hiya ay napapapikit na lang ako. Lakad takbo ako habang tinatahak ang direksyon patungong ilog.

Nang namasdan ko na ang ilog ay nakaramdam ako ng malakas na tibok ng puso. I've never felt this before, this feeling was kind of nostalgic. It felt like I love the waves of any bodies of water.

Pero ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng palalamig ng talampakan at pamamawis ng palad.
Nadama ko ang pagsikip ng dibdib at hirap sa paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Amara, anong nangyayari?" nilapitan ako nila Susan. Bakas sa mukha nila ang pag-aala. Ininda ko na lang sakit at pinilit ang sariling diretsong makatayo.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon