Kabanata 12

1.1K 59 14
                                    

Kabanata 12:
Paalam

Nang mapansin ko ang katahimikan sa loob ng bahay kinuha ko ang tyansa para tumakas ng bahay at magtungo sa kwarto ng mga katulong para kumustuhin si Susan. Nanunuluyan sila sa likod ng mansiong ito. It's already seven thirty, kaya nakakatakot na dito sa labas. Nang makarinig ako ng tunog ng gumagalaw mula sa damuhan, nanigas ang katawan ko, para pa akong asong kumakaripas ng takbo.

"Hoo!" hingal na hingal ako nang makarating ako kila Susan. Agad ko naman siyang nadatnan.

"Señorita?! Anong ginagawa mo dito? Alas Siete y media na" pinatuloy niya ako sa loob at naroroon rin ang iba pang katulong. Natigil sila sa kanilang mga ginagawa at nabaling ang tingin sa'kin. Yumuko sila at binati ako, ganoon din ako sa kanila.

"Maayos na ba ang iyong lagay Señorita? May sugat ka ba o galos?" umikot siya sakin na parang chini-check ang katawan ko. Hinawakan ko siya sa balikat.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan, masakit pa din ba pisngi mo?" umiling lang siya. Tinignan niya isa isa ang mga katulong saka ito umalis.

"Pasensya na po, mag-uusap lamang po kamo ni Señorita" aniya at ngumiti lang ang ilan sa mga katulong.

"Bakit ka ba kasi humarang sa sampal ng babaeng 'yon?" sinungitan ko siya.

"Hindi kita hahayaang saktan lamang" aniya.

"Idiot-- este hindi porket katulong ka lang ay magpapaapi ka na, alam mo dapat sa'yo tinuturuang manabunot" kinindatan ko siya pero ngumiwi lang ito.

"manabunot?" tumango ako.

"sabunot ganon, gaya ng ginawa ko sa kanya" nanlaki ang mata niya at para bang natatawa.

"So anong nakakatawa doon, it's self defense!" mas lalo siyang natawa at nagtaka sa sinabi ko. Hindi ko na naman napigilan bunganga ko.

"selp depen-?"

"ah ibig sabihin non, pangdepensa sa sarili para kapag may nanakit sa'yo maprotektahan mo sarili mo, imbento ko lang yon hehe." mabuti na lang at nakapagpalusot pa ako.

"Aaahh ngunit masama iyon!" umupo lamang siya at umupo sa isang katre.

"Masama din naman 'yong ginawa ni Victoria pero siya pa din ang pinagtatanggol ng lahat kaya sa mga gano'ng sitwasyon, piliin mo na lang na protektahan sarili mo mapa-masama o mabuti man ang gawin mo, masama talaga ang tingin nila sa'yo kasi kinakalaban mo 'yong mas nakakataas sa'yo" paliwanag ko pa, sumang-ayon naman si Susan sa sinabi ko.

"Hindi ko mapapangako Señorita, pero susubukan ko" tumango din ako.

"Nakita mo ba kung paano siya nag-tumbling sa damuhan nung binalibag ko siya, dapat ganon" humagalpak kami sa tawa pero napawi din ang ngisi niya dahil sa sinabi ko.

"ta-tumbling?" napawi ang tawa ko at nag-isip na naman ng panibagong palusot. Napakamot ulo ako.

"Aahh.. umikot yung katawan niya sa ere, 'yon" muli kaming humagalpak sa tawa habang inisip ang mukha ni Victoria.

It's been a month simula nang mapunta ako dito sa San Fernando, marami na akong nakilala at marami na din akong nagawang pagkakamali, pero marami pa din akong katanungan sa isip ko. And the reason why am I in this era is still a mystery.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon