Kabanata 16

1.3K 61 19
                                    

Kabanata 16:
Alaala

Nagpatuloy siya sa pagsasagwan hanggang sa makaabot kami sa isang karatig isla. Unlike the public beaches in the 20th century, the beach here was like boracay, it has pure white sand, and surrounded by coconut trees.

Napakaganda naman talagang pagmasdan ng mga isla rito sa Pinas kaso sa paglipas ng panahon hindi na masisilayan ang mga ito. Kung mayroon man, mga mayayaman na lang ang may tyansang makasaksi ng kagandahan ng mga ito.

Lumanghap ako ng sariwang hangin habang nakapikit. Nang minulat ko ang aking mata ay nadatnan ko si Irineo sa harap ko at diretsong nakatingin sa akin.

May mga piraso ng kahoy ang nasa paanan niya, nang mapansin niya 'yon ay kinuha niya ang mga ito. I couldn't help watching his arms flexing as he carry the logs and the bead of sweat trickling down his neck.
I realized that everything about him was perfect. His V-neck white polo fits on him perfectly.

The sky was dark blue but unlike the usual it wasn't filled with stars yet the crescent moon reflecting on the vast of the ocean and him made the scenery perfect, pinasadahan niya ng kamay niya ang kanyang buhok. I saw him smirked popping his adorable dimple on his right cheek giving me inconsiderate amount of untamed butterflies inside my stomach. Nakaramdam ako ng init ng aking pisngi. Umiling ako.

"A-anong gagawin natin dito?" tanong ko.

"Sabi mo ay nais mo ng mga libro" tinuro niya ang isang bahay sa hindi kalayuan. Madilim na kaya hindi ito masyadong naaaninag, wala din kasing ilaw na nagpapaliwanag rito.

"Puwede naman 'to bukas e, tara uwi na tayo?" humakbang lang ako kaunti ay napawi na kaagad ang ngiti sa kanyang mukha.

"Kahit sa pagkakataong ito, maari bang pagbigyan mo naman ako?" he sounds possessive. Binaling ko ang tingin ko sa kanya. Umiling lang siya nang magtama ang paningin namin.

"Ah eh pasensya na, ang akala ko kasi gusto mo na din magpahinga" hindi na uli siya nagsalita sa halip ay naglakad patungo sa bahay na itinuro niya kanina. Sumunod ako.

Namangha ako sa ganda ng bahay. Hindi ito gaya ng library sa Bolinao na gawa lamang sa kahoy. The floor was made of marbles, the ceiling was high and every side has shelves those are maybe 7-8 feet high.

"Kaninong library 'to?" napalakas ang pagkakasabi ko.

"Ano?" aniya.

"Ang ibig kong sabihin, silid aklatan mo ba 'to?" nakalusot ulit.

"..natin" he said coldly. Nanliit ang mata ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Pumili ka na ng iyong libro nang makauwi tayo kaagad, marahil ay may mas nais kang makasama sa pagbabasa rito" nabaling uli ang tingin ko sa kanya. Paikot-ikot lang siya sa paligid habang nakatingalang pinagmamasdan ang mga libro. Madilim ang tingin niya at mabigat ang bawat hiningang pinapakawalan. 

"Hindi naman sa ganon" lumapit ako sa kanya. Marahan kong hinila ang sleeve niya nang maiharap siya sa'kin. Para akong batang uhaw sa atensyon. 

"..Baka kasi pagod ka na, masyadong naging mahaba ang araw at isa pa ang akala ko gusto mong mapag-isa" yumuko ako. Ang akala ko ay magsasalita siya pero marahan niya lang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa sleeve niya at saka niya ako tinalikuran. Hindi na siya nagsalita ulit.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib na para bang tinutusok ito pero binalewala ko na lang at inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro. Kahit papano ay nakatulong ito na mabalot kami ng katahimikan. Umupo na lang ako sa isang sulok, mayroon lamang na maliit na lamesa ata dalawang upuan na magkatabi.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon