Kabanata 26

754 51 30
                                    

I'm out of ink, I've been feeling down these past few days, iniisip ko na baka wala naman talagang nagbabasa ng gawa ko, ini-scroll lang, at iyon! Tapos na! Iniisip ko na baka wala namang saysay ang pagsusulat ko, baka sinasayang ko lang ang oras ko. But I asked a co-writer, @shaneylucks, a great friend of mine, anong magagawa ko sa insecurity kong ito? Gusto ko ng tumigil sa pagsusulat at i-deactivate ang account ko, pero tinulungan niya ang puso ko na mamotivate uli."Kahit iisa na lang ang nagbabasa, ituloy mo"
Iyan ang sinabi niya, kaya naganahan ang puso ko na magsulat uli at tapusin ang story na ito, kahit na iisa na lang ang nagbabasa, patuloy akong magsusulat.

Kabanata 26:
Alipin


Nanatiling nakapako ang mga paa ko sa kinatatayuan. My eyes were locked on him. His playful smile and deep dimples are showing amusement.

"Maari kang maupo" inilahad niya ang mahabang upuan sa gilid, gawa ito sa bambooat pinababago ng barnis. May lamesa ito sa harap at flower vase sa gitna. Mayroon ring ilang librong nakapatong rito.

Sa gilid ng sofa ay isang maliit na shelf, mayroong lampara sa ibabaw na siyang nagsisilbing ilaw sa kabuuan ng kwarto, maliban sa araw na nagmumula sa labas.

Lumapit siya sa bintanang pinagmamasdan ko at isinara ang pulang kurtina. Ngayon tanging ang lampara na lang talaga ang liwanag.

"Di-dito ka na pala nakatira." Sinumulan ko ang usapan

"Uh-huh," iminuwestra niya ang iniinom na alak na nasa table.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang ginagawa. Mayroong mga nagpapatong-patong na libro sa gilid ng kanyang mesa, sa gitna nito ay mayroong kahoy na may nakaukit na kanyang pangalan. Inanggulo ko ang aking ulo upang makita nang mabuti ang nakaukit doon. .

"Irineo Lopez y Alonzo, Teniente Mayor" at may maliit na subscript sa ilalim na may nakaindikang "chief lieutenant".

"Tungkol pala sa nagawa ko, hindi ko iyon sinasadya, talagang madulas lang sa batuhan tapos may lumot pa, kaya nadulas ako pasenya na.. po" nakayuko kong tugon.

His eyes darted on me. He groaned violently while brushing his hair. Na para bang hindi iyon gawain ng isang ginoo sa panahong ito. 

My heart raced violently, lalo na nang tumabi siya sa akin. We were just inch apart making me feel his heavy breath. Ang kanyang kanang kamay ay isinandal niya sa backrest dahilan para magwala ang mga tutubi sa aking tiyan. Nagdidiwang ang mga ito. Our skin are almost touching, kaunting kibot lang ay mararamdaman ko na ang kuryente sa aking sistema.

Umiling ako at kinagat ang labi. This is wrong, this is so wrong. Nagpunta ako rito para malaman ang katotohan at hustisya para sa pamilya ko, para sa naggahasa kay Ate pero anong ginagawa ko? Nandito muli sa harap ni Irineo at parang susuko muli sa kanya.

No! Dapat ay gawin ko ang tungkulin, tama, marami pa akong gagawin. Ang utak at puso ko ay nagpoprotesta.

"Ta-tanggap na ba ang paumanhin ko?" hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya. Hinuhuli niya ang mga mata ko kaya't mas lalo akong naiilang.

Hinawakan ko ang aking pilipisan at hinilot ito. Marahan akong pumikit bago ko siya tuluyang naharap. Ang akala kong kakayanin ko ay nanlumo lang sa sandaling makita ko ang malalalim niyang mga mata. 

"Tatapusin ko na po ang ginagawa ko, paumanhin po uli." Umiling ako at aambang na tatayo na sana ngunit ang kanyang baritonong boses ay pinigilan ako, bumalik ako sa pagkakaupo ngunit nanatiling nakailing pa rin.

"Kailangan nating mag-usap" madiin ito.

"P-po? Babayaran ko po ba ang mga dam-"

Hindi pa ako tapos magsalita ay isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanya. Mariin ito sa paraang hindi ako makakawala. I tried pushing his chest but he's strong enough to even make the hug tighter.  Ang masakit kong likod ay tila ba hinihilom ng mga kamay niyang na naririto.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon