Kabanata 15

1.1K 57 9
                                    

Kabanata 15:
Akin

Pumungay ang kanyang mga mata na tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Inilapat niya ang kanyang kamay sa ulo at ginulo ang buhok. Marahan siyang bumuntong hininga.

"Bakit at paano mo nagawa iyon sa harap nilang lahat lalong lalo na sa aking Ama?!" ang buong akala ko ay matutuwa si Irineo sa ginawa ko pero mukhang mas lalo lang siyang nagalit sa'kin.

"Pa-pasensya na, ang akala ko-" hindi ko na natuloy ang pananalita dahil may bumara na sa aking lalamunan. May luha ng pumapagilid sa mga mata ko.

Nakaramdam ako ng takot at pangamba dahil sa galit sa akin ni Irineo. Hindi ko naman ito nararamdaman noon, pero ngayon pakiramdam ko sa tuwing magagalit sa'kin si Irineo ay isang malaking kawalan.

Siguro dahil din sa ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit napahiya siya ng kanyang Ama. Kung hindi ko siya pinilit na lumabas ng kusina ay hindi mangyayari ang lahat. Yeah, it's just guilt, guilt lang talaga itong nararamdaman ko ngayon.

"Paumanhin din, hindi lamang ako makapaniwalang may abilidad ka sa pagsasalita ng wikang iyon" mahinahon ang kanyang pagkakasabi. Bumaling ang tingin ko sa kanya. Sandaling namilog ang kanyang mga mata nang magtama ang paningin namin pero agad din siyang umiling.

"Na-nais ko na munang mapag-isa" wika nito. Marahan naman akong tumango at iniwan siya roon. Before I completely left him behind, lumingon ako sa kanya. He was sitting on a rock. Nakapatong ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod habang nakalapat ang noo niya sa mga palad. He.. he is crying.

Para bang pinipiga ang puso ko. I knew it, noong magtama ang paningin namin, I knew he would also cry. He's also a human. Kahit na isa siyang matigas at makisig na nilalang sa harap ng lahat, may kahinaan pa din siya. Sa pagkakataong ito, gustong-gusto kong tumakbo pabalik sa kanya at yakapin siyang mahigpit, hindi ko kayang nakikita siyang ganiyan. Nanghihina din ako.


Pagpasok ko uli ng Casa ay para bang walang nangyari. Masaya pa ding nagsasalo-salo ang lahat, mas lalo pa ngang umingay. Nadatnan kong abala sina Lola Lourdes at Susan sa paghahain ng pagkain sa mga bisita. Si Ybañez naman ay kasama ang lalaking lumapit kina Irineo kanina, ang nakababata niyang kapatid. Nagtama ang paningin namin pero agad akong umiling.

Nagsalita sa gitna ng lahat si Don Mariano (ama ni Irineo). Kung ano-anong katagang lumalabas sa bibig nito at puro sa wikang spanish ang ginagamit. Can anyone be my translator here? Hindi ko siya maintindihan kaya napapangiwi na lang ako. Hindi din naman maganda ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya kay Irineo.

Sa gitna ng pagsasalita ni Don Mariano ay bigla na lang siyang tumawa, ganoon rin ang lahat. Napairap na lang ako sa kawalan. Dahil abala ang lahat naisipan kong lumapit sa isang table na puno ng pagkain, walang tao rito kaya pwedeng-pwede kumuha. Kukuhain ko na sana ang glass ng isang red wine nang may biglang sumigaw mula sa likuran.

"Binibining Amara!" lumingon muli ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses na 'yon. Pagkalingon ko ay nagulat na lang ako sa lalaki na papalapit sa akin. Sinalubong niya ako ng ngiti at nang makalapit siya ay agad niyang kinuha ang aking kamay at hinalikan ito. Nanlaki ang mata ko.

"Alejandro nga pala ang aking ngalan" nginitian niya ako, ganoon din ako sa kanya.

"Ayon sa mga balita ay ikaw ang nobya ng aking nakatatandang kapatid, nagagalak ako at isang napakagandang binibini ang napili niya" namula ako sa puring natanggap ko.

Kung ikukumpara nga kay Irineo, magkaibang-magkaiba sila ng personalidad. Si Alejandro ay may masayahing karakter, palaging nakangiti at pinupuri ang lahat ng nasa paligid, hindi mapang-asar at higit sa lahat maginoo, ganito ang totoong ginoong namumuhay sa panahong ito. Samantalang si Irineo ay kabaliktaran but despite of those personalities I still..

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon