Kabanata 30

689 37 27
                                    

Kabanata 30:

Sundo

Kasalukuyan kaming bumababa ng patag dahil sa ang berde at maaliwalas na paligid ay napalitan na ng kadiliman.

Magkasalikop ang aming mga kamay habang naglalakad. Nang naaaninag ko na ang ilaw mula sa Casa Alonzo ay tumigil ako sa paglalakad kaya't gayon rin siya.

"Umm.. Nalaman na ni Victoria na naririto ako."

Dinapuan ako ng kaba kaya't kinagat ko ang aking labi.

Tumango-tango siya habang umiigting ang kanyang panga. My brows furrowed not expecting his reaction. Ang akala ko ay maghihosterya siya o magugulat.

"Alam mo na ang tungkol rito?"

Hinuli ko ang nandidilim niyang mata.

He nodded a bit. My lips twitched.

"Napag-usapan na namin ito," aniya at tipid na ngumiti.

May multo ng kadilim sa kanyang mga mata kaya't hindi ako mapakali. Para bang hindi niya gusto ng usapan.

Hindi pa rin ako napapanatag hangga't hindi

He smiled again but this time it's genuine kaya't parang may humaplos sa puso ko. Itinigil ko na lang ang kuryosidad at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Iyon ang naging huli naming pag-uusap hanggang sa lumipas na naman ang maraming oras at naging abala na kami sa mga sumunod na araw.

Hindi na siya nakagawa ng paraan upang magkita o makapag-usap kami dahil sa marami ang mga dumarating sa daungan lalo't magdidisyembre na.

"Oh, Susan? Bakit parang lagi ka na lang malungkot?" Salubong ni Cristina nang madatnang nakaismid sa sulok ng kwarto si Susan.

Nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang siyang nakabusangot ay nakakunot ang noo dahil sa madalas ay nagkakausap na lang kami sa tuwing hapag kainan ay hindi ko magawang tanungin siya sa kanyang problema.

"May problema ba Susan?" tanong ko nang araw na nagboluntaryo akong samahan siya sa paglilinis sa mga veranda ng mansyon.

Tipid lang siyang ngumiti kaya't nakuha ko agad ang sagot.

"Bakit, Susan?"

Nilingon niya ako. Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang niyang ibinaon ang sarili sa akin at sinimulang humagulgol.

Hawak niya ang braso ko, hinahaplos ko ang kanyang buhom habang tinatahan siya.

"Anong problema? Bakit?!" I sound frustrated.

Umangat siya ng tingin sa akin. Doon ko lang napansin na namamaga ang kanyang mga mata, para bang ilang araw ng nagdadalamhati.

"Nakipaghiwalay na sa akin si Ybañez..."

Nalaglag ang panga ko. Puno ng kabiguan ang mga mata niya. Bumuhos ang kanyang luha habang nanginginig. Pinunasan ko ang nga luha sa kanyang pisngi at niyakap ko siyang muli.

Ilang sandali pa ay natahimik na siya at pinalis ang kanyang luha.

"H-hindi ko a-alam ang dahilan, h-hindi niya sinabi.." humihikbi siya.

Hinahaplos ko ang kanyang likod.

"Nadudurog ang aking puso.."

"..H-hindi ko kayang mabuhay nang wala siya, Amara, wala ng saysay ang aking buhay kung wala si Ybañez!"

She groaned as she frustratedly closed her fists. Hinawakan ko ang kamay niya.

Wala akong maisip na dahilan kung bakit iyon nagawa ni Ybañez lalo na't sa darating na Disyembre na ang kanilang kasal.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon