Kabanata 34

602 36 26
                                    

Kabanata 34:
Pulong

"Subukan mo.." Isang maawatoridad na boses ang humamak sa lalaking tumututok sa akin ng baril.

Itinapat ni Rowena ang sundang sa leeg ni Doktor Santiago kaya't bahagyang siyang napatingala.

"Kuya Jenaro, kaibigan ko siya!" Pigil ni Eugenio.

Because of the loud sound we made, we caught their colleagues' attention, they come out from their rooms and one of them is a familiar girl. Si Helen! Nakatingin lang siya sa malayo at nakaawang ang bibig.

Nagugulumihan na ako sa nangyari.

Hinarang ni Eugenio ang kamay niya sa tutop ng baril. Dahan-dahang binababa ng lalaki ang baril at hindi tuluyang naikasa ito.

"Rowena! Ibaba mo na, ibinaba niya na ang baril!" Banta ko.

Nananatiling mapanganib ang mata ni Rowena at nakatutok pa rin sa leeg ng lalaki ang talim ng kanyang sundang.

"Halika na, Amara!"

Sinunod ko si Rowena at agad niya naman akong hinila palabas. Lumingon ako sa likod at nakita ang ekspresyon ng lalaking s
nagliliyab sa galit at si Eugenio na pinapakalma ito.

"Bakit ka kasi naririto? At sino ang mga lalaking iyon?!" Nangangalit siya.

"Kaibigan ko si Eugenio, pwede ba sa susunod ay huwag kang basta-bastang maglalabas ng patalim at saka paano mo ako nasundan?"

Hindi niya ako sa sinagot sa halip ay pabagsak nita lang akong binitiwan. Nagbuntong hininga siya at pagod akong binalingan.

"Marahil ay hinahanap na tayo sa Casa Alonzo, hindi tayo maaring magtagal rito."

Nang makasakay kami ay agad akong nagpahinga at sinakop na naman ng katanungan ang isipan.

Ilang taon na kaya si Eugenio? Kumusta sila Helen? Nasaan si Tatay Bernardo? Bakit siya nag-abogasya? Ni hindi man lang ako nakapagpaalam.

Ano kaya ang nagawa ni Ama para maging ganoon na lang ang galit ng pinsan ni Eugenio sa amin? Isa rin kaya siya sa mga naging biktima ni ama sa pagiging Escalador?

"Saan ba kayo nagsususuot mga bata kayo? Kanina pa naririto ang mga panauhin, kakaunti lamang kaming kumikilos!"

Sinalubong agad kami ng sermon ni Madame Veronica nang makarating kami.

Kumukunot na naman ang noo ni Madame Veronica habang hawak ang kawaling pinaglutuan ng caldereta.

Kaya pala nagmamadali si Rowena na umalis kami ay magkakaroon ng pagpupulong na magaganap ang mga elitista at may mga matataas na katungkulan sa pamahalaan.

Abala si Rowena sa paghuhugas ng pinggan. Sina Erlinda ay naghahatiran na ng mga nalutong pagkain ni Madame sa Veranda kung saan nagaganap ang pulong. Si Evelyn ay nakaatas sa pagpupunas ng mga nahugasan ni Rowena na katabi si Susan ay sa paghihiwa ng recados, ako naman ay natataranta dahil sa walang nakaatas na gawain sa akin at tanging pagtulong lang.

Nang matapos naman na sina Erlinda sa paghahatid ay pinanood na lang nilang muli si Madame Veronica na nagbubudbod ng mga kung ano-anong pampalasa.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon