Wakas

1.3K 70 46
                                    

Isang prebilehiyo ang maibahagi ang aking unang istorya sa inyo, kahit na hindi kagandahan ay nakaabot kayo hanggang dito, ang matapos ito ay isang kagalakan, ibahagi po sana natin ang pag-iibigan ni Irineo at Amara! Maraming maraming Salamat po!

Wakas:
La Ultimo Capitulo


Ang maingay na alarm ng cellphone ko ang bumalot sa aking buong kwarto. Naghalf-open ang aking mata upang sungkitin ang phone sa katabing lamesa ng aking kama. Agad kong pinindot ang stop button ng alarm at saka binagsak ito sa higaan.

Halos mahimbing na uli akong makakatulog nang isa namang katok ang bumulabog sa akin.

"Ate! Ate! Gising na, nananaginip ka na naman ba?!" Si Yna iyon na naghihisterya na at paulit-ulit na namang kumatok sa pintuan.

Tamad akong tumungo sa busol ng pinto ng aking kwarto. Half open pa ang mga mata ko nang makita ang nakaayos na kapatid ko.

"Anong ganap?" tanong ko.

Pinasa niya sa akin ang tuwalya kong basa dahilan upang magising ako at mairita.

"Ginamit mo na naman tuwalya ko!"

Hindi niya ako pinansin at di nag-atubiling pumasok sa aking kwarto at inayos ang aking higaan.

"Maligo ka na Ate, mali-late ka na sa check up mo," aniya habang pinapagpag ang unan ko. Humagalpak pa ako nang makita ang mapa ng laway ko sa puting punda ng unan.

"Palitan mo nga iyang punda ko! Amuyin mo nga!" Humagikhik ako.

Nasa loob na ako ng cr at hinuhubad ang damit.

"Ang baho ate! Nagsisipilyo ka ba 'pag gabi? Baka naman excited kang managinip kaya natutulog ka kaagad!" reklamo mula sa labas at humagalpak sa tawa.

Nang matapos ako ay sumungkit agad ako ng pantalon at puting t-shirt mula sa aking closet. Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit na para bang hindi ko na nakasanayan.

"Tara na ate, ang tagal mo, iyong sasakyan naghihintay na sa baba!" sumbat nito at padabog na nagmartsa palabas ng aking kwarto. Sinarado ko ang pinto at saka nagbihis.

Bumaba ako na sinusuklay pa ang basang buhok. Hindi ko na ito nagawang i-blower dahil sa ingay na dinudulot ng busina ng sasakyan. Padabog akong pumasok rito at pinagalitan ang driver.

Ang driver, sweet lover ng aking kapatid, si Dion.

Yes, Dion, my student. Hindi ko alam kung paano nagsimula, nagising na lang ako na isang araw ay nagkakamabutihan na pala ang mga ito. Well, although he's an arrogant kid before kagaya ng pinaniwalaan ko, every people would change for their love ones, kaya't boto ako sa batang ito para sa aking kapatid.

"Sorry ma'am for that noise, utos lang po ng aking "master"," Dion said sarcastically, leaning on my sister, hinampas siya nito sa balikat. Nabalot ng tawanan namin ang kotse.

Lumipas ang ilang minuto ay uminit ang ulo ni Dion, dumungaw ako sa bintana at napagtanto kong traffic pala.

Nang marinig ko ang tawanan muli ng mga kasama ko ay nabaling ang tingin ko sa mga ito. Aba't naabutan ko pang magkasalikop ang mga kamay. I cleared my throat.

Nagtaas ako ng kilay nang lingunin ako ng mga ito.

"Ate naman, pagbigyan mo na ako, she's been avoiding me for three days and it felt like it's first time to touch her again, it would always felt like that." si Dion na parang inaangasan ang aking kapatid pero matamis ang huling salita ng sinabi, umiling si Yna na sa tingin ko ay namumula na.

Nabaling ang tingin ko sa aking phone na nay nagnotif na message.

Doc:

It's raining cats and dogs, you better got umbrella or you'll get a cold.

Waves Of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon