Chapter 6

2.7K 148 15
                                    

Sunny

Lagpas dalawang linggo na simula nung makalabas si Inang ng hospital at tatlong araw narin bago mag Pasko at gaya ng pinangako ko sakaniya na hindi siya aabutan ng Pasko sa hospital. Inasikaso rin kami agad at maayos dito sa hospital ni Alex.. yung girlfriend ni Kim na hanggang ngayon di ko lubos maisip kung paano nangyare.

"Mi amore---"

Napatingin ako sa taong katabi ko na ngayo'y nakatingin sakin habang hinahaplos ang mukha ko. Hay, napaka lambot talaga ng kamay niya

"What are you thinking, Amore?" hinawakan ko ang kamay niyang nakalapat sa pisngi ko

"Wala lang---masaya lang ako na nandito ka sa tabi ko" at totoo yun at walang araw na hindi ako nag bigay ng pasasalamat sa Diyos kasi sa hinaba haba ng panahon na nawala siya ngayo'y kasama ko na siya at bawat araw napapawi niya lahat ng pagkukulang niya at sobra sobra pa

Umayos ako ng higa at lumapit sakaniya, tanghali na pero ayaw ko paring tumayo sa pag kakahiga dito sa kama, gusto ko lang e nandito kami kayakap siya buong araw

"I won't go anywhere" pabulong niyang sabi, lihim naman akong napangiti pero nag sungit sungitan ako para kunwari pakipot

"Dapat lang! kasi lagot ka talaga sakin kapag nawala ka, talagang hahanapin kita kahit uugod ugod na ako ano!" sabay kurot sakaniya sa tagiliran pero hindi naman tulad ng kurot ko kay Kim yung kaniya kurot na may pag mamahal

"Dai mi amore, let's have some breakfast and lunch--- nag luto ako ng paborito mo" then she smiled at me

"Sige mauna kana sunod ako, okay? Ayusin ko lang itong bed" tumango naman siya at agad na bumaba. Bumangon narin ako para ayusin yung kama.. magulo kasi ako matulog kumpara kay Raven, minsan nga parang nasusuntok ko na siya kapag nananaginip ako

Napatigil ako sa pag papagpag ng unan nung tumunog yung phone ko..aga aga mang bubulabog tong si Kim bulong ko sa isip ko sabay lapit sa cellphone ko na nakapatong sa side table. Pag open ko ng inbox number lang yung nakalagay sino naman kaya ito? pinindot ko mismo yung message

'HINDI PA TAYO TAPOS'

Parang tumigil ang paghinga ko sa nabasa ko---hindi ko alam kung anong klaseng kaba pa ba ang dadagundong sa dibdib ko

"Mi amore?"

Hindi talaga siya titigil---nanginginig ako sa takot na kung ano pa ang pwede niyang gawin pero sana naman huwag.. akala ko okay na lahat bakit ganito parin?

"Hey---Amore"

Sana--- sana pananakot lang ito k-kung gusto niyang gumanti saakin nalang wag na sa mga taong mahal ko. Huwag na sana..

"Sunny--- Are you okay?"

Bumalik ako sa realidad ng tawagin niya ako "H-Ha? ano y-yun?"

"I said, are you okay? You look pale amore" papalapit na siya sakin kaya agad kong pinatong yung cellphone ko sa table

"Y-Yes I'm okay--inaayos ko lang tong kama" pinilit kong ngumiti kahit di na maipinta ang mukha ko

"Are you sure? You don't look good, is there any problem?" ayokong malaman niya kasi mag aalala nanaman siya laban ko to kaya kailangan ko harapin ng mag isa hanggat kaya ko.

"W-Wala ano kaba gutom lang ako t-tara na?" hinawakan ko agad siya sa kamay at hinila na pababa. Mukha naman siyang naniwala sakin kahit papaano...sana.

Pag baba agad kong binuhat si Circe "Good morning--after noon mahal kong Circe!" saka ko pinag hahalikan sa ulo ang sobrang cute na asong ito.

"Come on now Sunny, let's eat para di kana mamutla" pumunta na akong kainan agad niya akong pinag hila ng upuan bago umupo sa tabi ko

Tame (GirlxGirl Book 2 )Where stories live. Discover now