Chapter 11

2.3K 133 19
                                    

Sunny

"Mi amore" malambing na boses niya ang unti unting nag pamulat sa mga mata ko. Bahagya kong minulat ang mga mata ko para tignan ang mukha niyang maganda

"Wake up, come on it's your first day, right?"  Agad akong nagmulat

"Shit! Oo nga!" napabalikwas ako sa kama at dumiretso sa CR. Naririnig ko mula dito ang tawa niya

"I'll just prepare your breakfast amore" at narinig ko na ang pagsarado ng pinto ng kwarto

Inalis ko muna ng dahan dahan sa daliri ko ang engagement ring na bigay niya sakin. Pagtapos naming mag celebrate ng pasko at bagoong taon sa isla, sobrang saya naming lahat yun na ata pinakamasayang celebration ang naranasan ko miski ang pamilya ko.

Nag palipas lang kami ng ilang araw pa doon sa isla at bumalik narin kami dito sa Bahay nami. Si Peter at Riza naman ay bumalik na ng Italy.

Mayroong operation na kailangan gawin si Alex at kailangan niya bumalik agad kaya napag desisyunan namin na umuwi nalang at sa operation niya na gagawin ako ang kinuha niyang assistant kaya halong excitement at kaba nararamdaman ko dahil ilang buwan rin akong tumigil mula sa pagiging E.R surgeon sa hospital nila Jake.. si Jake---

"Sunny? Come on now I don't want you to get colds" sigaw niya mula sa labas habang kinakatok ang pintuan

"Okay--- just a minute Raven."

Inabot ko na agad ang towel na nakasabit sa gilid ng sliding door at tinapis sa katawan ko. Kinuha ko pa ang isang towel para naman ipulupot sa buhok ko sabay suot ng engagement ring ko. Pagtapos ko magtuyo agad akong lumabas ng CR bumungad sakin ang matamis na ngiti ng babaeng mapapangasawa ko

"B-Bakit?" nahihiya kong tanong kasi nakatitig siya sakin habang nakaupo sa gilid ng kama

"Nothing, you're just beautiful enough"

Kinagat ko agad yung labi ko para pigilan yung ngiti ko. Alam mo yung sinabi niya yun habang yung boses niya morning voice? yung husky pa? ugh! sobrang sexy!

"Stop it Raven--- please? wala akong underwear pero feeling may nalaglag sakin!"

Napa face palm nalang ako sa sinabi ko, hindi ko napigilan! ano ba kasi umagang umaga ganito eh!

"Che cosa? I don't understand---why are you turning red? Hey--Hey-- wait up!"

Di ko napigilan itulak tulak siya palabas ng pintuan alam ko sobrang namumula ako sa sinabi ko. Inis! bakit kasi ganito epekto sakin ng babaeng ito? sobrang lakas

"I'll wait for you down stairs!" narinig kong sigaw niya kaya nagmadali narin akong mag damit dahil baka malate ako sa procedure ko

Pagtapos ko magdamit kinuha ko yung phone ko sa drawer sa side table ko. Oo nasa drawer doon ko nilalagay dahil ayoko mabasa ni Raven kung ano man ang mga pananakot na tinitext sakin ni Jake. Hanggat maaari itatago ko ito hanggat kaya ko. Pero mula nung dumating kami wala pa ako ulit natatanggap at sana mag tuloy tuloy na

Pag baba ko agad kong naamoy ang mabangong pancake kaya lalong kumulo ang tiyan ko. Ang sarap pag araw araw ganito ang umaga ko

"Circe! Baby!" agad na tumakbo sakin ang baby namin na sobrang bilis lumaki. Di ko napigilan tumawa habang dinidilaan niya yung mukha ko

"Come here Amore you need to eat first" tinigil ko ang pakikipag laro kay Circe tsaka umupo sa tapat ni Raven

Nilagyan niya agad ng laman yung plato ko at ako? pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa lahat ng ito

"Why are you looking at me?" tanong niya habang hinihiwa ng maliliit yung pancake sa plato ko

"N-Nothing.. sobrang swerte ko lang sayo"

Tame (GirlxGirl Book 2 )Where stories live. Discover now