Chapter 8

2.3K 136 11
                                    

Sunny

Di ko namalayan na nakatulog pala kaming dalawa ni Raven, tulog na tulog siya habang nakaharap sakin kaya nagkaron ako ng pagkatataon na nakawan siya ng halik. Napangiti ako habang patuloy na tinititigan siya... ang ganda ganda mo talaga. Napansin ko sobrang ingay na naririnig ko mula sa labas. Pag tingin ko sa balkonahe madilim na pala kaya tumayo ako at tinignan kung anong oras na sa cellphone ko, alasais na pala. Kaya dahan dahan kong tinapik si Raven agad naman siyang nagising at yumakap sa braso ko

"Antok parin?"

"Si amore" parang siyang baby nakapikit pa mata niya habang tumatango tango

"Bangon na kasi gabi na mag didinner na tayo also mukhang nagkakasiyahan na sa baba" pilit ko sakaniya agad naman siyang sumunod

Naghilamos kami ng sabay bago bumaba. Nakita naming na nagkakantahan sila Kim at Geoff habang sila Peter naman at Inang at nag kukwentuhan pati si Riza at Alex. ang saya talaga na nakikita ko silang ganito para kaming isang malaking pamilya

"Look at them, they're enjoying themselves" bulong ni Raven sakin

"At sobrang saya ko dahil ganito yung family natin" hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako

"Hoy! Kayo dyan! Tama na yan!" si Kim habang naka mikropono pa ang gago

Pagtingin ko sa kainan na mahaba nakahanda na lahat ng pagkain at sobrang dami nito

"Uni buti gising na kayo kanina pa namin kayo hinihintay para makakain tayong sabay sabay" napakamot naman ako sa ulo

"Sorry Inang napasarap kasi yung tulog namin pero sana ginising niyo nalang kami nakakahiya naman"

"Naku! pag silip namin eh tulog na tulog kayo eh tulo laway ka panga!" si Kim nanaman. Epal talaga tong kulangot na to!

"Umisa ka pa tatamaan ka sakin" pagbabanta ko sakaniya habang nililisikan ko siya ng mata

"Come on let's eat all together" Pag aya ni Raven kaya lahat nag punta sa lamesa.

Bago kumain nagdasal muna kami at ang nag leas syempre ang napa perfect kong girlfriend.

"Amen" sabay sabay naming sabi

Napansin ko ang kalahati ng lamesa ay puro Filipino cuisine at ang kalahati ay masasabi kong Italian food

"Sinong nag luto Inang?" tanong ko habang ngumunguya hindi ko rin mapigilan mapapikit kasi ang sarap talaga

"Ako at si Peter"

"Do you like it Sunny?" si Peter na kamukhang kamukha si George Clooney

"It's perfect Peter" ngumiti lang siya at nagpatuloy kumain ulit

"So tell me Sunny, when do you guys plan to get married?"

Halos mabuga ko yung laman ng bibig ko sa tanong ni Riza kaya agad akong inabutan ng tubig ni Raven

"Thank you" bulong ko sakaniya habang hinihimas niya yung likod ko. Napatingin ako kay Raven kasi hindi ko alam yung sasagot ko kay Riza

"Uhm---we don't have any plans yet...maybe soon"

"Pa virgin yung sagot" narinig kong may bumulong at kilala ko kung sino yun. Humanda ka talaga sakin Cruz pupulbusin kitang hayop ka!

"Raven you should marry this girl as soon as possible. I like her for you" di ko naman napigilan mapangiti sa sinabi ni Peter miski si Inang

Natapos yung dinner ng puro kwentuhan at tawanan. Maya maya pa ay naglabas si Peter ng limang bote ng white wine at dalawang bote ng whiskey.

"Walwal ng sosyal" natawa ako nung narinig ko si Kim. Parehas kaming tameme dito habang nilalabas ni Peter yung nga bote.

Tame (GirlxGirl Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon