Chapter 7

2.7K 163 7
                                    

Sunny

Maaga akong gumising para magluto ng agahan para bago kami umalis ay makakain kaming dalawa ni Raven at nila Kim.

Nagluluto ako nang may magdoorbell. Pinatay ko muna yung kalan at nagpunas ng kamay sa suot kong apron, tsaka lumabas ng bahay para magbukas ng gate.

"Baks, tagal mo magbukas? Antok na ako, oh."

Bungad agad ni Kim kasama si Alex na agad humalik sa pisngi ko.

"Good morning, Sunny; may dala akong bread, oh."

"Salamat Alex, tara pasok na."

Ni-lock ko ulit yung gate pagpasok nilang dalawa. Simula nung may nagtext ng pagbabanta sa akin ay palagi ko ng nilolock yung gate para lang maibsan ng konti yung takot ko.

"Saan si Raven?" Si Kim habang nakahiga sa sofa.

"Nasa pool area nagkakape."

"May pool kayo?!" agad siyang napabangon. "Bakit 'di mo sinabi? Tara swimming!"

"Alex, na dala mo ba gamot ni Kim? Paki turukan nga, high dose mo, ha?" Sabay tawa nang pang-aasar.

"Bwisit!" Hindi ko siya pinansin, at bumalik nalang ako sa kusina para ituloy yung ginagawa ko. Mayamaya pa ay natapos ko rin lahat ng niluto ko. Inalis ko na yung suot kong apron at naghain ng plato at kubyertos. Lumapit sa akin si Alex at tinulungan ako.

"Salamat, Alex." Tumango lang siya sa akin at ngumiti.

"Saglit puntahan ko lang si Raven." Nagpunta ako sa tapat ng sliding door katabi ng pintuan papuntang mini library niya.

Paghila ko pakanan ng pintuan nakita ko siyang nagbabasa habang nakalubog ang mga paa sa pool.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya patalikod, "Amore."

"Tara na kain na tayo nandito na rin sila Kim."

Bago siya tuluyang tumayo nakuha pa niya akong nakawan ng halik; hindi naman niya ako nabigong pakiligin.

Pumasok kami sa loob habang hawak niya ang kamay ko, "Goodmorning, Raven."

"Buon giorno, Kim—Alex, let's eat."

Habang kumakain, hindi na nagsasalita si Kim halatang gutom ang gago.

"Hoy Kim, wala ba kayong pagkain sainyo? Parang puputok na bibig mo, dahan-dahan naman." Inirapan lang niya ako sa sinabi ko.

"Dahan, baby. Baka mabilaukan ka." Si Alex din sinaway na siya para kasing mauubusan kung kumain.

"Okay lang yun! i-cpr mo naman ako diba?" Hindi napigilan ni Raven tumawa pati tuloy ako natawa

"Uhm, sorry, sorry," but she still burst into laughter.

"Kayong dalawa mamaya kayo sa akin! Baby, inaaway nila ako," sabay pa cute siya kay Alex.

"Para ka kasing timang magpa-cute, baby."

Habang kaming tatlo pinagtatawanan siya wala na siyang nagawa kundi kumain nalang.

"Nanyo, ha! Except you, baby Alex, of course." Sabay halik sa pisngi ni Alex.

Nung matapos kami sa pagkain agad namin niligpit lahat ng pinagkainan, "Amore, go on. I will do these chores. Just prepare Circes' things."

Since medyo matagal kami makakabalik isasama namin si circe. Kinuha ko yung cage niya at mga vitamins niya also mga laruan niya. Lihim naman akong nangiti kasi para akong nagaayos ng gamit ng anak namin ni Raven.

Tame (GirlxGirl Book 2 )Where stories live. Discover now