Chapter 14

2.3K 150 31
                                    

Sunny

Ang ganda ng gising ko dahil sa nangyari samin kagabi di ko expect na susurpresahin niya ako ng ganon. Yun bang simpleng effort lang niya sobrang nakakataba ng puso agad, pag naaalala ko kung paano niya ako isayaw kagabi e para kaming bumalik sa nakaraan kung paano niya ako sinayaw noong college kami wala paring kupas ang nararamdaman ko sakaniya at lalo pang lumalala.

Tinignan ko ang wrist watch ko habang papasok ng hospital nung mapansin ko tila magaang ang bulsa ng pants ko. Kinapa kapa ko pa ito pero wala kaya minabuti kong gumilid muna upang di ako humarang sa entrance at nag simula kong hanapin ang cell phone ko sa bag

"Saan na ba na punta yun?" Kinakabahan ako kase baka naiwan ko sa bahay o sa kotse--

"Shit!" Baka naiwan ko sa kotse. Baka mabasa ni Raven yung mga threat sakin

Nagmamadali akong bumalik sa loading zone pero wala na si Raven. Naglakad ako palabas ng compound ng hospital baka maabutan ko pa si Raven dahil may stop light dito. Naglakad ako saglit ng biglang may tumigil na itim na sasakyan sa tapat ko

Apat na lalaki ang agad na bumaba tila ba kakainin ako ng buhay.. nakaramdam ako ng kaba agad akong patakbo pero nahablot nila ang bag ko at hinila ito kaya pati ako napasama

"Dito kalang!! Saan ka pupunta?!" tila lalabas ang puso ko sa takot, ibat iba ang pangyayaring pumapasok sa isip ko

Sigaw niya sakin habang nag pupumiglas ako "Tulong!!!! Tul----" tinakpan niya ang bibig ko ng kung ano nakaramdam ako ng hilo

"Tulo---" pinipilit kong imulat ang mga mata ko pero tinatraydor ako nito, nararamdaman kong pamamasa ng gilid ng mata ko sa sobrang takot na kung ano ang mangyari sakin. Hanggang sa naging malabo na ang paningin ko at unti unting dumilim ito

"Rave--n" ang huling salita na kaya kong banggitin bago mawala ang lahat

Nagising ako sa malakas na boses na naririnig ko-- unti unti kong minulat ang mata ko sobrang labo ng nakikita ko ang sama ng panaginip ko dinakip daw ako ng mga di kilalang lalaki. Pinikit pikit ko ang mga mata ko para luminaw ang nakikita ko -- b-bakit nakatali ang mga kamay ko? Teka, nasaan ako? Shit! totoong dinakip ako?!

Halos hindi ko mahabol ang paghinga ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko

"Tulong!!!" sigaw ko ng paulit ulit pero parang walang nakakarinig saakin sa lumang silid na ito

"Tulong! Tulungan niyo ako!!" patuloy sa pag luha ang mga mata ko natatakot ako ng sobra sobra

"Raven tulungan mo ako--" di ko mapigilan ang sarili ko na humagugol dahil sa takot

"Kung nag pakasal kalang sana sa pinsan ko hindi sana tayo aabot sa ganito---" isang pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita mula sa madilim na parte ng silid

"Sino ka! pakawalan niyo ako! ano bang gusto niyo?! pera?!" rinig na rinig sa buong kwarto ang tawa niyang mala demonyo

"Sino may sabi na gusto naming ng pera? ang gusto namin ay ikaw! Sunny!" pag sigaw niya ng pangalan ko para akong nanigas sa kinauupuan ko nanlamig ang mga daliri ko

"Na surpresa ka ata? long-time no see" ngumisi siya sakin pero nananatili akong nakatitig sakaniya.. anong nangyari sakaniya? bakit siya nandito? siya ba nagpadakip sakin?!

"Ano ba itong ginagawa mo Jess! Pakawalan mo ako! Ipapakulong kita gago ka!" pero imbis na matakot lalong tumapang ang mukha niya at lumapit sakin napalunok ako sa kaba. Nagulat ako ng bigla niyang ikutin ang kamay niya sa leeg ko

"B-Bitiwan mo---ko--" hindi ako makahinga sa ginagawa niya "J-Jess---"

"Hirap bang huminga?" Namamanhid na ang mukha ko alam kong pulang pula na ako pero wala ako magawa kahit anong galaw ang gawin ko sa kinauupuan ko wala akong magawa

Tame (GirlxGirl Book 2 )Where stories live. Discover now