Chapter 9

2.7K 137 15
                                    

Sunny

Nagising ako sa mabangong amoy na humahalimuyak sa buong kwarto. Dahan dahan akong umupo at sumandal habang hawak hawak ang puting kumot na tanging tumatakip sa katawan ko. Napansin ko agad na wala si Raven sa tabi ko kaya napadapo ang mata ko sa balkonahe kung saan siya ay nakasandal sa gilid ang suot niya lang ay ang puting sleeves niya habang humihigop ng kape

Di ko napigilan di mapalunok sa itsura niya. Imagine mo nalang yung itsura niya na ang messy hair, tanging suot niya ay yung sleeves niya kaya kitang kita yung legs niyang makinis at yung ganda niyang nakakaakit. Oh gosh.

Nagulat ako ng mapatingin siya sakin
"Buongiorno, mi amore" naramdaman ko nalang ang pag init ng pisngi ko kaya napatakip ako ng kumot sa kalahati ng mukha ko. Bakit ba kasi sobrang ganda ng girlfriend ko? Kahit ako di ko kinakaya!

"Hmm? Are you not feeling well?" lalo akong napakapit sa kumot na tumatakip sa mukha ko, hindi ko alam bakit pero gosh di naman ito first time na may nangyari pero ewan ko ba mahal ko lang talaga siya ng sobra.

"O-Okay lang ako" dahan dahan siyang lumapit sakin pagtapos niyang ipatong yung iniinom niya sa lamesa

"Are you hungry?" tanong niya habang inaayos yung buhok ko

"Hindi pa naman-- anong oras na ba?"

"It's only seven in the morning, are you still sleepy?" tinignan ko lang siya at napangiti. Madalas naiisip ko kung anong ginawa ko at paano ako naging deserving na matagpuan at makilala siya. May panahon na matatanong natin yung tadhana kung paano tayo naging deserving sa mga taong nasa tabi natin ngayon--

"Mi amore?"

"Po?" narinig ko nalang na tumawa siya

"You're zooning out amore, what are you thinking?" di ko napigilan at niyakap ko siya ng mahigpit

"Nothing, I just love you this much" naramdaman ko nalang ang braso niya ay pumulupot sa bewang ko at niyakap din ako ng mahigpit

"And I love you too, this much" bumitaw siya sa pagkakayakap sakin at tinulungan ko makatayo ng ayos "Amore, let's go down and have some breakfast" tumango lang ako sakaniya at nagpunta na ako sa cr para makapaghilamos. Habang nasa CR napansin kong may nakadikit sa salamin na sticker

'You don't need to use this, you're already beautiful'

Di ko maipinta ang kilig nararamdaman ko habang naghihilamos. Anong ginawa ko para maging deserving?

Nagsuklay lang ako saglit at lumabas na ng CR. Agad na bumungad sakin ang isang pirasong puting bulaklak katabi ang isang puting dress na agad kong sinuot. Saktong sakto saakin at sobrang bango nito. Umaga palang pero parang hindi na kakayanin ng puso ko ang kilig na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim tsaka lumabas ng kwarto, agad na humalimuyak ang bango ng pinaghalong amoy ng kape at pancake isama mo pa ang malamig na paligid dahil mamayang gabi ay pasko na.

Dahan dahan akong bumaba at Nakita ang lahat na nagkakape sa kainan habang tahimik na nagkukwentuhan pero wala si Raven sa mga taong nakapaligid sa baba

"Buongiorno Sunny"

Agad akong napatingin kay Peter na nakangiting bumabati sakin habang nakaupo at may hawak hawak na kape at libro, ngumiti din ako at binati siya ng magandang umaga

"You look wonderful" habol pa niya

"Thank you Peter" agad niyang tinuro ang tapat na couch "come join me" tumango naman ako medyo kinakabahan lang kapag kausap ko siya feeling ko kasi binabasa niya ako

"Looking for Raven?" ngumiti ako konti" She's just wandering around, she'll be back soon"

Tumango lang ako--kinakabahan talaga ako. Nagulat nalang ako ng biglang may naglapag ng isang tasa ng kape sa tapat ko, pagtingin ko si Riza habang nakangiti sakin

Tame (GirlxGirl Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon