Chapter 10

2.2K 148 19
                                    

Sunny

Damang dama ko ang init ng yakap niya habang nakaupo kami at pinagmamasdan ang papalubog na araw. Sabi nila isang beses mo lang matatagpuan ang taong gusto mong makasama habang pasikat at palubog ang araw, at siya na yun.. ang babeng katabi ko ngayon.

"Guys please, wag masyadong intimate may gabi pa" tumirik lang ang mata ko sa narinig kong boses habang impit na tawa ang pinakawalan ng magandang babae na katabi ko.

Maya maya pa ay natanaw na namin ang rest house. Nauna ulit bumaba si Raven habang inaalalayan ako. Napaka gentle woman talaga.. sana all.

Naglakad kami padalampasigan habang naapakan ko ang pinong pino at puting buhangin na dumidikit sa munti kong mga paa. Papasok palang kami ay naamoy ko na ang nilulutong pagkain at sobrang bango nito

"Ate Raven!" agad na takbo ni Chichi payakap sa mahal ko

"Talagang kay Ate Raven mo ikaw unang bumati ah?" sita ko sa batang ito pero binelatan lang niya ako. Napaka!

"Welcome home, famiglia " agad na bati ni Peter samin habang nakangiti ito. Lumapit siya sakin at agad akong hinalikan sa magkabilang pisngi. Medyo nagulat ako doon at nanigas ang katawan ko dahil di ako sanay sa pagbati nila.

"I hope you had a great time roaming around the town---" tumango ako sakaniya at siya namang ngiti nito. Medyo naiilang pa ako sakanila dahil nakaka intimidate sila. As in pakiramdam ko mga Hollywood actors and actress ang pamilya ni Raven dahil sa mga itsura nila.

"Yes we had a great time Peter" sagot naman ni Raven habang nakahawak sa kamay ko

"Come along, lets prepare the Christmas tree and the lights" si Riza habang tinutulungan sya nila Geoff at Isaac mag sabit sabit ng palamuti sa Christmas tree.

"Go upstairs first mi amore, you take a rest first, okay?" umiling ako sakaniya dahil gusto kong tumulong although pagod nga ako kalalakad

"Go on A, I can see in your eyes that you're tired" alam mo yung napapikit ng kusa yung mga mata ko ng haplusin niya yung pisngi ko? sobrang kiliti sa tiyan yung naramdaman ko.

Wala na akong nagawa dahil yung epekto ng haplos niya sakin talagang mapapa 'Oo' kanalang. Dyusko!

Umakyat na ako sa taas at saglit na humiga sa malambot naming kama. Kapit na kapit ang amoy ni Raven sa kumot at unan namin kaya di ko mapigilan mapangiti mag isa dito

Umupo ako sa gilid ng kama at nag dasal ng taimtim. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng bagay na meron ako ngayon, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at ang pinaka magandang regalo na binigay Niya sa akin. Sana hindi na matapos ang kasayahan na nararamdaman ko ngayon, wala na akong hihilingin pa sa buhay ko dahil kuntento na ako sa mayroon ako.

"Thank you, Lord" bulong ko sa hangin dahil alam ko nakikinig Siya sa akin.

Tumayo na ako at nagpuntang comfort room para maghilamos konti. Pag tapat ko sa salamin may nakadikit nanaman dito

'Forever can never be long enough for me'

Agad na umukit ang ngiti sa mga labi ko. Wala talagang katapusan ang surpresa ng babaeng ito. At hindi ako mapapagod tanggapin lahat

Nagpunas ako ng mukha ko habang papalabas ng CR. Napadako ang mata ko sa aparador na katabi ng kama namin

'Open me'

Teka bakit hindi ko manlang napansin ang mga nakadikit na sticker dito?

Agad akong lumapit at binuksan ang dalawang pinto ng aparador at siyang tumambad sakin ang isang puting bistida na di hamak na mas maganda sa bistidang suot ko kanina

Tame (GirlxGirl Book 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon