CHAPTER TWO:ANGEL

224 15 0
                                    

CHAPTER TWO: ANGEL

Isang bola...

Isang bola ang tumama sa mukha ko, Sapul na sapul pa talaga. Parang nasira ang maganda kong mukha dahil sa pagkakatama ng bola. Tss! Itong mga batang 'to talaga!

Tss.., feeling ko tuloy naalog din ang utak ko.

Dahan-dahan ko silang tiningnan para pagsabihan pero isang babaeng nakaputi ang nakita kong palapit ng palapit sa akin. Para siyang anghel na bumagsak mula sa langit.

"Kuya? Ayos ka lang? Pasensya na, di ko po sinasadya."

nagsasalita siya pero hindi ko siya masyadong maintindihan. Ano bang sinasabi ng anghel na 'to?

Bumagal ang lahat, parang tumigil sa pag ikot ang mundo.

Dahil ba 'to sa pagkakaalog ng ulo ko?

Ano bang nangyayari sa akin?

Isasama niya na ba ako?

Ito na ba ang kamatayan ko? Ang makita ang isang anghel na tulad niya?

Namatay ba ko dahil sa pagtama ng bola sa mukha ko? Nakakamatay ba yun?

"Sinusundo mo na ba ako?" tanong ko sa anghel na nasa aking harapan.

"Hala! Napuruhan ka ba kuya?" nagtataka niyang sabi.

Ha? Anong sabi niya?

Unti-unti akong natauhan at napatayo ng makita kong hindi pala siya isang anghel.

"Ah... Eh... Ayos lang ako" sa sobrang pagkataranta ko tumakbo ako papasok ng bahay at iniwan ang babaeng may mala anghel na mukha.

What's wrong with me?

"Anak! Anong nangyari? Bakit ka ba tumatakbo?" natatarantang tanong ni Mama pero di ko na ito napansin, tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo ko papuntang kwarto at naglock ng pinto.

Anong bang nangyayari sa akin?

bakit ganito ang nararamdaman ko?

Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Hindi naman ito dahil sa hingal. Dahil ba ito sa babaeng nasilayan ko?

Naguguluhan ako!

May kung anong mainit na tubig ang pumatak sa aking pisngi, bakit may luha? Tears of joy ba 'to o umiiyak ako dahil sa babaeng yun?

Ano bang koneksiyon ko sa kanya?

O ano ang koneksiyon namin sa isa't-isa?

×××

Lumipas ang ilang oras hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa harap ko si Mama na mukhang nag-aalala.

"O Ma?"

"Anong nangyari sayo kanina?" nagaalalang tanong ni Mama habang nakapamewang.

"Nahilo po kasi ako kaya natulog po muna ako" palusot ko... Sana makalusot.

"Ah... Ma nagugutom na po ako, kain na tayo Ma" hinawakan ko si Mama sa kanyang magkabilang balikat at isinama papuntang kusina.

Habang nasa hapagkainan ay wala kaming kibuan ni Mama.

Nakakailang tuloy.

Pero agad din namang binasag ni Mama ang nakakabinging katahimikan.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now