CHAPTER THIRTEEN:JEALOUSY

88 30 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN: JEALOUSY

~•Dustin•~

Kinakabahan ako ngayon.

Sa tinagal tagal naming mag kaibigan ni Rain magtatapat na ako ng pag-ibig sa kanya. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magtapat kay Rain. Magtatapat na sana ako nung mismong birthday niya pero maaga siyang umuwi kaya hindi ko siya naabutan.

Pinagpapawisan ang mga kamay ko habang hawak hawak ang bouquet na may kasamang letter at teddy bear na ibibigay ko sa kanya, nagpareserve pa ako ng table at upuan sa isang sikat na restaurant para sa aming dalawa para pagkatapos ng eskwela doon ang diretso namin.

Maaga akong pumasok para pag handaan ang pagtatapat ko kay Rain, tanggap ko kung anong sakit niya at I can get her a proffesional doctor para mapagaling lang siya. Madami akong pera at kaya kong kuhanin ang kahit na anong gusto ko, sa kahit na ano at kahit paanong paraan.

Nailaglag ko ang bouquet ng rosas na dala dala ko ng makita ko si Rain.

Si Rain at si Nathaniel magkasama...

At magkahawak ng kamay.

Hindi ko maipaliwanag ang kirot sa aking puso, para ba itong pinupunit at sinasaksak ng paulit-ulit.

Bakit? Bakit ang sakit?

Hindi ako makahinga sa pagsikip ng aking dibdib.
Nababakas ko sa mukha ni Rain ang kasiyahan habang kausap si Nathaniel ngayon ko lang siya nakitang ganon kasaya.

"Uy kuya! Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa gawing kaliwa ko at nakita ko si Abbie.

Tiningnan ko siya pero kaagad siyang tumingin sa gawi kung nasaan sila Rain.

"Tss! Walang hiya talaga yang lalakeng iyan!" nanggagalaiti sa galit si Abbie, nag inat inat siya at hinanda ang kamao bago tumakbo papunta kila Rain.

*Blag*

Napatumba ni Abbie si Nathaniel.

Buti nga sa kanya! G*go siya!

Halos mapangiwi sa sakit si Nathaniel at halatang halata naman ang pag-aalala ni Rain sa kanya.

B*llsh*t that d*ck head!

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong murahin siya sa loob ng utak ko, kung bakit ba naman kasi sa dinami rami ng babaeng pwede niyang patusin ay si Rain pa.

"Ano bang problema mo Abbie? Bakit mo sinuntok si Ethan?"

Ethan? Si Nathaniel, my code name pa sila ngayon.

"Eh t*ngina naman kasi ng manyakis na 'to!" nanggigigil pa din si Abbie kay Nathaniel at nagpupumiglas mabuti na lang at hawak siya ng lalakeng kasama nila Rain dahil kung hindi kanina pa siyang bugbog sarado.

Pero naawa ako sa lalaking may hawak sa kanya bukod sa ang payat nito mukhang konting pitik na lang ay mangangalas na ito.

"Abbie tama na yan!" kaagad akong umeksena.

At hinila palayo si Abbie sa kanila.

"So kinakampihan mo pa yang manyakis na yan ngayon eh ako ang kakambal mo?" kung may kakampihan man ako ngayon alam mong ikaw yun pero dahil nandito si Rain wala akong magagawa kung hindi itrato silang pareho ng pantay.

"Wala akong kinakampihan Abbie kanina ka pa kaseng vinivideo ng mga tao dito. I just want to protect you" malumanay kong sabi dahil nakakawala ng pogi points kapag sinigawan ko si Abbie dito. Totoo din naman kasi na pinagkakaguluhan na sila ng mga estudyante dito sa loob ng school.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now