CHAPTER ELEVEN:3 HOURS

86 15 0
                                    

CHAPTER ELEVEN: 3 HOURS

T-t-tatlong oras niya lang kayang maalala ang lahat?

Paanong tatlong oras?

Hindi pwede 'to! Ganito na lang yun? Sa ganitong paraan na lang matatapos ang lahat?

"Ibig sabihin po ba makakalimutan ni Amara lahat ng oras na kasama ko siya sa loob ng tatlong oras?"

IMPOSSIBLE! Hindi maari ito!

"O- oo makakalimutan ka niya maski ako... Lahat lahat kaya nga pinipilit kong ipasulat sa kanya ang mga nangyayari sa kanya araw-araw para wala siyang makaligtaan kahit isa" patuloy ang pag agos ng mga luha ng nanay ni Amara, dala ng emosyon unti-unti na ding pumatak ang aking mga luha. Ang namumuong madilim na ulap ay unti-unting pumatak at bumalot sa aking buong katawan.

This is how curse is happening, sumpa sa isang lalaking hindi makalimot at sumpa sa babaeng nakakalimot.

How this story became a love story? Iginuhit ba ito ng tadhana?

Hindi pa ba sapat ang kaparusahang idinulot sa kanya? Ano bang kasalanan ni Amara para magkaganito siya?

"Mauuna na po ak--" hindi ko na naituloy ang sasabihin...

Tumakbo akong palayo.

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, ang puso ko. Para akong sinasaksak ng pulit-ulit. Ang sakit-sakit na!

Nanghihina akong pumasok ng aming bahay, basang-basa ang buong katawan ko at halos magpagewang gewang na ako sa dinadaanan ko.

Nanlalabo na ang paningin ko...

Hanggang sa hindi ko na alam ang susunod na nangyari dahil bumagsak na ako.

×××

Nagising na lang ako na nakahiga sa sahig, ang kaninang basang basang damit ko ay natutuyo na. Anong oras na ba? Napasapo ako sa aking ulo, sobrang sakit nito at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makatayo. Ano bang nangyari?

Nahimatay ba ako?

Tiningnan ko ang orasan ko 3:33 na.

Teka lang... Lumipas na ang tatlong oras.

Sh*t! No!

Nagpumilit akong tumayo kahit hinang hina pa ang katawan ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung paano ko pupuntahan si Amara.

"Amara Please Forget me not" ang mga salitang ito ay kanina ko pang gustong isigaw pero hindi ko magawa, halos bumulong na lang ako sa hangin.

Amara...

Halos madapa dapa ako sa masukal at maputik na daan.

Amara...

Hintayin mo lang ako

Natatanaw ko na ang kanilang bahay

Amara...

Habang palapit ng palapit pasakit ng pasakit.

Wag mo akong kalimutan...

Ibinigay ko ang buong lakas ko para kumatok sa kanilang pintuan.

Amara...

Bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang isang babae, malabo pa din ang paningin ko pero kitang kita ko ang imahe nito.

Pumatak ang aking mga luha ng naaninag ko kung sino ito.

"Ethan?" bumalik na siya, bumalik ka na.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now