CHAPTER FOUR:LAST DESTINATION

172 15 1
                                    

CHAPTER FOUR:
LAST DESTINATION

"Aaaaaaaahhhhh!!!! "......

Narinig ko si tita na sumigaw kaya dali dali akong tumakbo papunta sa loob.

Halos nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa kaba.

Hindi ko alam kung ano bang nangyari.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Kung magugulat ba ako?

Maiiyak ba ako?

Wala akong maramdaman, namamanhid ako. Hindi ako makagalaw, para akong napako mula sa aking kinakatayuan.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Hindi 'to totoo.

Gisingin niyo ko sa bangungot na 'to!

Halos mapaluhod na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman nararamdaman ko, para ba akong sinasaksak ng paulit-ulit.

Unti-unting umagos ang mga luha sa aking mukha.

Isang patak...

Dalawang patak...

Tatlong patak...

Hanggang sa parang ulan na hindi ko na mabilang bilang ang umaapaw sa aking mga mata.

Nakita ko si Mama na nakatali ang leeg sa taas at nakalutang ang paa.

Ma? Ma! Hindi 'to totoo di ba? Nananaginip na naman ako di ba?

Ma hindi ko pa kaya.

Ma nananaginip lang ako diba?!

Ma!

Wala na si Mama.

Nagbigti siya.

Nagbigti ang taong kaagapay ko.

Ang isa sa taong minahal ko.

Iniwan niya na ako.

Naiwan na naman ako!

Mag-isa na naman ako!

Nagpakamatay si Mama.

Anong dahilan Ma?! Bakit mo ko iniwan kaagad? Ma akala ko ba matatag ka? Ma nagbibiro ka lang diba?! Ma sino nang magiging sandigan ko?! Sino nang magiging sandalan at kaagapay ko sa lahat ng oras?!

May kung ano sa puso ko na gustong kumawala at magwala.

Parang awa mo na Ma! Bumalik ka. Ma hindi ko pa kaya, madami pa tayong pangarap! Wag mo muna akong iwan.

Unti-unting nanghina ang katawan ko.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hindi ako makapaniwalang patay na si Mama!

Patay na ang pinakamamahal kong ina.

"Ma!!!" dali-dali akong tumayo at ibinaba si Mama.

"Ma? Wag mo kong iwan" inalog-alog ko si Mama, nagbabakasakaling hindi pa siya patay.

Pero kahit anong gawin ko wala na siya. Huli na ang lahat. Napayakap ako kay Mama ng mahigpit na mahigpit, tangan-tangan ko pa rin siya sa bisig ko habang umiiyak.

Hindi pa siya patay diba?! Parang awa niyo na sabihin niyong hindi pa siya patay! Hindi pwede 'to, hindi ko pa kaya.

"Mama!!!" sigaw ko, pero may nakakarinig ba?!

Kung panaginip lang 'to gisingin niyo na ako!

Pero hindi!

Hindi ito isang panaginip... Katotohanan ito.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now