CHAPTER TEN:DEMENTIA

112 13 0
                                    

CHAPTER TEN: DEMENTIA

D-D-DEMENTIA...

Napag-aralan ko na 'to noon. Noong time na kumuha ako ng course na pangdoctor, noong gustong-gusto ko ng makalimot. Ang sakit na ito ay tungkol sa pagkalimot. Ito yung pinapangarap kong maging sakit noon.

Ang pagkakaalam ko may iba't-ibang uri ng Dementia.

Pero bakit si Amara pa?

Ang bata-bata niya pa.

Kaya ba may notebook siyang dala noon?

Kaya ba lagi niya akong kinakalimutan?

Kaya ba madaming sticky notes sa bahay nila?

Kaya ba may mga street signs sa mga dinaanan namin kanina?

No!

Please no...

Not her!

Nagsisimula pa lang kami.

Nagsisimula pa lang akong umibig sa kanya.

Her illness... Dementia is not just a simple illness. Pwede niyang ikamatay ito, pwede siyang patayin nito.

Dementia is not a specific disease.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin namin" nanlambot ang nanay niya kaya muntik na itong matumba, mabuti na lamang at mabilis ang adrenaline rush ko, kaya ko siya natulungan.

"Hindi ko kaya kung isang araw makalimutan niya na kami *sniff*" her tears began to fall. Nararamdaman ko ang pagyukom ng kanyang mga palad, ang panginginig ng kanyang mga kalamnan.

Mahirap ito lalo na sa isang magulang. Kung ako din ang nasa sitwasyon ng nanay ni Amara, mas gugustuhin ko pang sa akin mapunta ang sakit ng anak niya, kesa makita ko ang anak kong nahihirapan.

"Hindi ko alam kung bukas, makalawa lumala pa ang sakit niya *sniff*, hindi ko pwedeng ipakita sa anak ko na nanghihina ako, *sniff* kailangan ipakita ko na matatag ako, para kahit papaano gawin niya ang lahat para lumaban sa sakit niya. Na makita niya na matatag kami at hinding-hindi namin siya iiwan" pakiramdam ko ngayon lang maiilabas ng nanay ni Amara ang lahat ng dinaramdam niyang sakit, dahil hindi niya pwedeng ipakita ito sa kanyang minamahal na anak. Lahat naman ng magulang titiisin ang sakit at magsasakripisyo para lang sa kanilang minamahal na anak.

Naalala ko si Mama, dahil sa pagkukunwari niyang matatag siya hindi niya kinaya, nawala na lang siya sa akin ng parang bula.

Hindi ko naman pinipigilan si Mama na manghina, na ipakita yung kahinaan niya, kasi ayaw kong nasasaktan siya, kasi nanay ko siya, magkarugtong na ang puso't kaluluwa naming dalawa, kaya, kaya kong gawin lahat, lahat-lahat maibalik lang ang oras na kasama ko siya, mga oras na hindi dapat siya nagsuffer sa depression na nararamdaman niya noon. Mga oras na dapat sinulit ko.

"Inay?" narinig namin si Amara na palabas na ng kwarto niya, kaya kaagad kong tinulungan ang nanay ni Amara na tumayo.

Nag-ayos muna at nagpahid ng luha ang nanay ni Amara, ngunit kahit ipilit niyang itago kay Amara o sa akin, kitang-kita ko sa kanya ang lungkot at takot na kanyang nadarama.

Tiningnan ako ng nanay ni Amara, medyo naluluha na naman siya.

"Hindi ko din alam kung bukas, makalawa mawala na siya sa amin ng tuluyan" ang basag na boses na iyon ng kanyang ina ang nagpabasag sa aking damdamin.

Kahit sa maikling panahon ng pagsasama namin ni Amara, unti-unti ko na siyang minamahal, unti-unti ko na siyang natututunang mahalin, unti-unti na akong nahuhulog sa kanya, at hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala sa akin.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now