CHAPTER TWELVE:THE PAST (Part 1)

88 18 0
                                    

CHAPTER TWELVE:
THE PAST (Part 1)

Maikling halik lamang iyon at kaagad ding nahinto.

Nagulat ako kasi nakatulala lang si Amara, gulat na gulat siya sa nangyari.

Huwag mong sabihing...

Sh*t! Is that her first kiss?

"I'm sorry Amara nadala ako ng emotion ko, pasensya na hindi ko sinasadyang nakawin ang first kiss mo."
Nadala lang talaga ako ng emotion ko, dahil sa sobrang pagkatuwa ko nagtake advantage ako sa kanya tss... Kaasar!

"Uy Amara" hindi pa din siya sumasagot kahit inaalog ko na siya.

"Amara!"

"A-anong sabi mo m-m-mahal mo ako? " lutang na tanong niya sa akin habang itinuturo ang sarili niya.

"Ulitin mo nga yun hindi kasi ako nakikinig kanina." hindi daw nakikinig pero alam na sinabi ko yung mahal kita.

"Ang sabi ko MAHAL KITA AMARA!" isinigaw ko ng buong lakas ang mga salitang iyon dahil gusto kong malaman ng buong mundo kung gaano ko siya kamahal.

"MAHAL DIN KITA ETHAN!" nagulat ako ng bigla ding sumigaw si Amara kitang-kita ko kung gaano niya ako kamahal. Sa kislap pa lamang ng kanyang mata at kasiyahan sa kanyang labi ay alam kong siya na. Alam kong siya na lang ang kulang sa walang katapusang buhay kong ito. Alam kong siya na ang babaeng nais kong pakasalan at nais kong makasama habangbuhay.

Gusto kong gumawa ng masasayang araw na kasama siya, mga alaala sa kanyang buhay na hinding hindi niya malilimutan.

I hug her again...

I love her, I love Amara so much.

"Gumawa tayo ng masayang alaala habang magkasama tayong dalawa." hindi ko inalis ang pagkakayakap naming dalawa.

Ngunit nagulat ako ng bigla niya akong itulak.

"Teka bakit mo ako itinulak Amara?" nagtataka ako dahil nag-iba din ang mood niya, mukha siyang galit.

"Babaero ka!" may galit at lungkot sa tono ng kanyang binitawang salita.

Ako?! Babaero?!

"Huh? Hindi ako babaero" pagpapaliwanag ko.

"Ah talaga ba? Eh sino si Amanda?" natigilan ako sa binanggit niyang pangalan.

Paano niya nalaman?

Sinong nagsabi sa kanya?

"Oh tingnan mo hindi mo masagot" mas lalo pa siyang nagiging iritado.

"Sinong nagsabi sa'yo kung sino siya? " pati ba naman nakaraan ko kailangan pang ungkatin ng matabil na dila ng tsismoso o tsismosang yun.

Nahihighblood na kaagad ako.

"Sino pa edi ikaw! Kagabi pa nga nung pumunta ka dito sinabi mong Amanda mahal kita"

Hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Hindi ko kayang sabihin kung sino si Amanda.

"Ano ka ba baka nagkamali lang ako ng sabi, Amara talaga yun hindi Amanda" nilapitan ko siya at niyakap sa likod.

"Talaga?" paninigurado niya.

"Oo" I lied.

Patawad... Hindi ko gustong magsinungaling sa'yo Rain.

×××

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now