CHAPTER SIXTEEN:FORGOTTEN PROMISES

68 6 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN:
FORGOTTEN PROMISES

~•Amara•~

"Ethan!!!" kitang-kita ko kung paano hinampas ng kahoy si Ethan sa likuran niya. Napaiyak na lang ako sa sobrang takot.

Humakbang ako para tulungan si Ethan pero may humawak sa mga braso ko.

"Bitiwan mo ako!" napasigaw na lang ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng lalake sa likuran ko.

"Huwag ka ng magpumiglas Rain. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin!" isang pamilyar na boses ang kumawala sa bibig ng lalakeng nasa likuran ko.

"D-Dustin?" napasinghap ako sa lalo pang paghigpit ng paghawak nito sa mga braso ko.

"Ako nga Rain... Ako nga" mas lalong tumulo ang mga luha sa aking mata dahil lalong binugbog si Ethan ng mga lalake sa likuran niya.

"Dustin parang awa mo na gagawin ko ang lahat basta huwag mo lang patayin si Ethan!" desperado na akong tulungan si Ethan.

"Hanggang ngayon si Nathaniel pa din!" ang mga kuko sa kanyang daliri ay unti-unti ng bumabaon sa aking mga braso.

"Dustin alam kong mabait ka, alam kong hindi mo magagawang pumatay" pagpupumilit ko kay Dustin.

"Pasensya na Amara" yan ang huli kong narinig galing kay Dustin dahil tinakpan niya ang ilong ko ng panyong may pampatulog.

×××

Nagising akong nakatali ang mga kamay at paa, pati ang aking katawan nakatali sa isang kahoy na upuan. Nakatakip ang masking tape sa aking bibig dahilan kaya hindi ako makahingi ng tulong. Sa palagay ko ay nasa isang bodega ako ngayon.

"Gising ka na pala Rain" biglang sumulpot sa may likuran ko si Dustin, dahan-dahan siyang umupo sa upuan sa harapan ko.

"Wag kang mag-alala Rain ilang minuto na lang naman makakalimutan mo na si Nathaniel" hinawakan niya ang pisngi ko at humalakhak.

No! Malapit ng magtatlong oras?

Hindi-hindi maari!

"Wag kang mag-alala alam ko namang mga tao at pangyayari lang ang nakakalimutan mo, alam ko namang hindi mo nakakalimutang magsalita, huminga, magsulat at kung anu-ano pa." Bahagya siyang tumayo at lumakad paikot sa akin.

"Ang sabi ng Doctor mo sa akin, isang rare na sakit ang nakuha mo at ikaw lang ang natatanging meron nito sa buong mundo. Eh papaano nga ba nangyari yun? Alam mo ba na hindi dementia ang sakit mo? Hindi lang talaga alam ng doctor mo kung anong ipapangalan sa sakit mo." lumapit siya sa akin at idinikit ang labi niya sa noo ko.

"Meron ka na lang 5 minuto at makakalimutan mo na ang lahat hahaha" napaiyak ako sa sinabi ni Dustin. Bago siya lumabas ng bodega tinanggal niya ang masking tape sa bibig ko. Hindi ko na magawang sumigaw dahil halo-halong sakit ang aking nararamdaman.

"Ethan!" iyan na lang ang tanging lumalabas mula sa aking bibig.

Ethan...

Parang awa niyo na wag niyo po sanang hayaang mawala si Ethan sa alaala ko.

3 minutes...

Balde-baldeng luha ang lumalabas sa mga mata ko, hindi ko na mapigilan ang sakit na bumabalot sa buong puso ko.

Pinilit kong tanggalin ang tali sa kamay ko pero hindi ko magawa.

Forget Me Not (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum