CHAPTER FIFTEEN:RUNNING TIME

54 6 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN: RUNNING TIME

~•Dustin•~

Hindi ako mapakali, may kung anong galit ang aking nararamdaman sa aking puso. Galit na handang ipaglaban ang lahat kahit may masaktan o masagasaan man akong iba.

"Hello? May ipapagawa ako sa inyo" nagdidilim ang aking paningin habang katawagan sa kabilang linya ang aking uutusan para maisagawa ang aking binabalak.

I can do anything for love...

"Ano yun boss?" tanong ng lalakeng nasa kabilang linya.

"Magkita tayo sa perya at doon ko ipapaliwanag ang lahat" pinaglalaruan ko ang daliri ko habang iniisip kung anong mangyayari.

It really break my heart when I hear everything.

•Flashback•

Bago ako sumunod kila Amara inisa isa ko munang idelete ang mga vinideo ng mga estudyante sa nangyaring kaguluhan kanina dito.

Ang dami nila kaya medyo natagalan ako.

I was about to interrupt them but suddenly...

"Let's make moment together Amara" Rinig na rinig ko ang pagkasabing iyon ni Nathaniel.

Damn it!

Lumapit siya kay Rain at yumuko.

What the next move now? You nonsense crap!

"I love you" I was about to punch him but...

"I love you too" Bumulong din siya kay Nathaniel.

At doon...

Doon na ako natigilan ng tuluyan.

Sa tagpong ito nalaman ko ng natalo ako.

My tears began to fall.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit, sakit na paulit-ulit akong pinapatay.

×××

Hindi ako makapagfocus sa pag-aaral dahil kapag naalala ko ang mga salitang nadinig kong galing kay Rain na dapat ay para sa akin ay nawawasak na naman ang puso ko at hindi ko na alam kung paano ito bubuuin.

Hanggang sa mag uwian na ay naiwan pa din akong nakatulala at walang muwang sa mundo.

Lumapit si Rain kay Nathaniel.

"Ethan! Akala ko ba ilalabas mo ko?!"

Paano nila nagagawa ang ganyang kash*tan na yan sa harapan ko.

Kaagad namang hinawakan ni Nathaniel si Rain sa kamay nito at inilabas.

Hindi nagtagal nakita kong padabog na bumalik sa room si Rain.

Kaagad din naman siyang sinundan ni Nathaniel.

Ano naman bang ginawa niya kay Rain?

Hindi ko na alam kung paano pa itatago ang sakit na nararamdaman ko.

Inilagay ko ang earphones ko sa tainga ko at saka yumuko, mariin akong napapikit sa sakit na kanina ko pang iniinda.

🎶Umiiyak ang puso ko
Paano na ako ngayon iniwan mo akong nagiisa nagdurusa sa piling ko'y wala ka na at may minamahal ka ng iba...🎶

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now