CHAPTER NINE:FIVE ROSES

118 14 0
                                    

CHAPTER NINE: FIVE ROSES

~•Ethan•~

Habang tumatagal mas lalong nahuhulog ang puso ko sa kanya.

Heto na naman.

Nagsisimula na namang tumibok ang puso ko.

Nagsisimula na naman akong umibig ng hindi inaasahan.

Nagsisimula na naman akong mahulog sa isang malalim na balon ng pagmamahal na mahirap ng kumawala.

Bawat pintig na nagwawala sa aking dibdib ay aking kinatatakutan.

Pintig na maari akong saktan.

Saktan muli.

Saktan ng paulit-ulit.

Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapipigilan ito.

Hindi ko mapipigilang umibig.

"That day too, when I realized that I want to know you even more"

Lumapit ako sa kanya.

Napapikit na lamang siya, ewan ko kung dahil sa sobrang kaba kaya siya napapikit, o dahil sa takot.

Mas lumapit pa ako sa kanya.

And I put a necklace on her neck.

An infinity gold necklace.

Tulad ng buhay ko, infinity, wala na yatang katapusan.

This necklace is very important to me.

Ito yung kwintas na hindi ko ibinibigay kung kani-kanino at ng basta-basta.

Ibat-ibang pagsubok na ang nasaksihan nito, luha, tawa, at pagmamahalan ang nakaukit na sa kwintas na ito.

Ikaw ang pangalawa na magiging may ari nito.

You deserve it, this necklace.

Ako ang mismong gumawa at umukit nito.

Halos ilang daang taon na bago ko ulit kinuha ito.

Pagmamay-ari ito ng aking pinakaunang kasintahan, ng aking pinakaunang minahal.

Pagmamay-ari ito ni...

"Ang ganda naman nito" tuwang-tuwang sabi ni Amara habang hinahawakhawakan ito.

"P-para sa akin ba 'to?" nagaalinlangang tanong niya.

"Kaya ko nga nilagay sa'yo diba" pamimilosopo ko.

Hinampas niya ako sa dibdib, medyo nakakasanayan niya na yan ha, at nakakasakit na, kawawa naman yung muscles ko sa dibdib.

"It's my birthday gift, and by the way I have to give you something..." sabi ko kay Amara at umalis papalayo, tumakbo ako sa limang rosas na nakabouquet, na nakatago sa may mga halaman, nababalutan ito ng ombré na papel, faded pink and violet.

Pagkakuha ko nito ay itinago ko kaagad ito sa aking likuran, at dali-daling pumunta palapit muli kay Amara.

"Naalala mo pa ba yung tinanong mo kanina?" hinihingal kong tanong, ang init naman dito. *sigh* Dahil kasi 'to dito sa tuxedo na ipinahiram sa akin ni Martin kaya mas lalo akong naiinitan, pero wala na akong magagawa kundi ang magtiis kahit mainit kung para naman ito sa pagdadalaga ng magandang babae na nasa harapan ko. By the way kababata ko si Martin. Ryle Martin Salvador, taga dito siya sa Batangas, kaya tuwing nagbabakasyon kami dito sa Batangas laging siya ang nakakasama ko. Hindi ko siya kaklase kasi IT yung course niya, sa kanya din ako nagpatulong kanina para sa mga pakulong ginawa ko dito.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now