CHAPTER SIX:I LIKE YOU

146 12 0
                                    

CHAPTER SIX: I LIKE YOU

AGAIN?!

Ano bang problema ni Amara?

May problema ba siya sa pag-iisip?

"Kuya bago ka lang ba dito? Transferee ka ba? Ikaw na ba ang bago kong makakatabi?" sunod-sunod na tanong ni Rain habang hinahawakan ang braso ko.

"Pwede ba wala akong time makipagharutan sa'yo Rain" tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko, pagkatapos niya akong tawaging Stranger kahapon lalapit-lapit siya ngayon.

Wag mong paglaruan ang feelings ng gwapong tulad ko, baka mafall ako sayo!

"OMG! Alam mo din nickname ko, may gusto ka ba sa akin kuya? Ako kasi may gusto ko sayo! Hehehe" nakangiti at sobrang kinikilig sa sinabi ko, dahil lang sa nickname nagkaganyan na siya.

Oy Miss Pakipot wag kang pabebe ha! Naiirita pa rin ako sa ginawa mo kahapon.

Ang taray-taray kahapon tapos ngayon ang sweet, BIPOLAR AMPUTEK!

Teka?!

Ako may gusto sa kanya?!

What the heck?!

Nagagandahan lang ako, pero di pa nagkakagusto.

Pero teka lang tama ba narinig ko gusto niya ako?

"Kuya bakit ba ang sungit mo sa akin? May nagawa ba akong masama?" mas lalo pa siyang dumikit sa akin, mas lalo pa siyang nagpacute dahilan para ako'y mainitan at pagpawisan.

Kingina! Ang init naman dito!

Masama? Oo, meron... MADAMI!

Tinawag mo kong stranger kahit kilala mo ko.

Sinadya mong matalisod sa paa ko at tinarayan mo pa ko.

At higit sa lahat sabi mo hindi mo na ako papansinin tapos ngayon kung makausap mo ko parang magkaibigan lang tayo.

Haist! Don't Me!

"Kuya..." natigilan siya at hindi itinuloy ang sasabihin niya, medyo lumayo siya sa akin at nilaro-laro niya lang ang mga daliri niya.

Kinakabahan ba siya?

"Bakit?" nilapitan ko ang mukha niya at nagsmirk, 1 inch na lang ang pagitan ng mukha namin, malapit ng tumama ang ilong ko sa ilong niya, and then I show her my killer smile.

"I-I... I LIKED YOU!" natatarantang sagot niya na halos ikalaglag niya na sa upuan.

Ako naman naiwang nakatulala.

Pakiramdam ko bumilis ang tibok ng puso ko.

What's wrong with me?

What's wrong with her?

"Goodmorning Class"

Anong sinabi niya...

She likes me ?

"Ehem! Mr.Nathaniel"

Nagulat ako ng nakita kong lahat ng mga kaklase ko nakatayo at nag goodmorning na, maging si Amara nakatayo na pero hindi siya nakatingin sa akin.

"I'm sorry Sir... Goodmorning Sir" tumayo ako at humingi ng tawad.

"O sige maupo na kayong lahat"

Pinaglalaruan talaga ni Amara yung feelings ko.

Tss... Pahamak!

Ano ba kasi talagang problema niya, napupuno na ako sa kanya.

Forget Me Not (Completed)Where stories live. Discover now